Chapter 5: Confusion

27 0 0
                                    

May pasector-sector clear pang nalalaman. Nage-english, bobo naman sa english. May clear bang maraming tira?! At ang lakas ng loob niyang iwan ako! Mabuti na lang at expert ako pagdating sa takbuhan at nakatakas ako.

"Aaahh!!!"

Nakarinig ako ng mga nakaka-alarmang sigawan mula sa parte ng school na malapit sa abandonadong library.

"Waah!!"

Sunod-sunod na tilian at sigawan ang maririnig. Parang may kaguluhang nagaganap sa parteng yon. Kinutuban ako ng masama sa mga narinig kong bulungan.

"Yes! Suspended! May mga daga daw na nagkalat sa Northern Wing?"

"Eww lang no. Na-trap daw yung ibang stupidents doon."

"Tara na, baka abutan tayo. Yuck lang."

Nonono. Nonono. Lagot.

Wait. Bakit ba ako nag-aalala? Bahala sila diyan. Life nila yan eh. Bakit kasi hindi pa nila inubos ang mga peste sa lugar na 'to. Ngayon tuloy, pinepeste na sila.

"Ada!" Gigil na gigil akong hinila ni Coby sa braso. "Ano bang sinabi ko sa'yo, ha?!"

Bakit ba 'to galit na galit?

"Oh ano bang ginawa ko at nagngangalit ka diyan?!"

"Tumakas ka na naman?! Diyan ka magaling eh. Sa takasan. Kaya ka naiwan ng pamilya mo eh! Duwag ka kasi!" Galit niya akong pinagsisigawan.

"Ano bang sinasabi mo?" Taka kong tanong. Iniwan ng pamilya? Kasama ko naman sila ah? Wala namang umalis sa kanila at sa pagkakaalam ko, kumpleto kami. "Uy, Coby. Nababaliw ka na ba?"

"Hindi mo na naman tinapos ang misyon mo. Ako na naman ba ang tatapos? Ako na lang palagi ang umaako ng mga iniiwan mong misyon. Hanggang kailan ka ba matutulog, ha? Lovelace, kailan ka gigising?"

Anong kadramahan ba 'to? Nasaan na yung mga camera? Ano, aakyat ba kami ng stage at bibigyan ko siya ng trophy for being the best hampaslupa actor ever?

"I'm disappointed," aniya. May pailing-iling effect pa.

So, ikinagwapo mo yan? Tsaka anong disappoint-disappoint?

"Ano ba? Hindi kita maintindihan!"

Bwisit. Kung anu-anong anek anek ang pinagsasasabi eh.

Kumuha ako ng barya sa bulsa ko at binigay sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong niya? Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin.

"Bumili ka ng kausap mo. Yung kapareho mong hampaslupa para masaya," sabi ko sabay walk-out. Maganda ako eh.

Pero ano kayang kabaklaan ang pinagsasasabi niya? Iniwan daw ako ng pamilya ko? Sa ganda kong 'to? At isa pa, kasama ko nga yung mga magulang ko kaninang umaga lang.

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon