Chapter 6: Facade

13 0 0
                                    

"I'm disappointed, Lovelace."

Pang-ilang beses ko na kayang narinig ang linyang yan ngayong linggo na 'to? Nakakabaliw na ah.

Paulit-ulit kong tinapik ang lamesa sa harap ko. Akala ko naman may sasabihing importante si Coby para pagkaabalahan pa akong imbitahin para kumain. 'What a coincidence', ika nga nila. Parehas kami ng paboritong coffee shop.

Inilatag ng waiter ang inorder ni Coby na Chocolate Mousse Cake at Freshly Brewed Coffee. Sosyalin si bakla.

"Thanks," bulong ko.

"You're welcome," aniya. Nagsimula siyang kumain, ganun din ako.

Ang sarap talaga ng cake dito, pero mas bet ko pa rin ang pizza na overflowing ang hot sauce.

"Ano nga palang sasabihin mo?" Tanong ko. Sinipat ko ng tingin ang labas ng shop nakakita ako ng mga batang naglalaro sa ulan.

Mga hampaslupa nga naman.

"I'm really--"

"Bukod sa disappointment mo sa akin, ano?" I cut him off. I glanced at him for a moment and gazed at the children once again.

"I'm really confused," he mumbled. "Bakit--hay. Wag na lang. Anyway, may panibagong mission tayo.

I nodded.

I just discovered a day before that I am a bait. May something daw sa akin na gumigising sa mga halimaw at nagiging dahilan para sundan nila ako at dahilan din ng pagkakaroon kaguluhan sa siyudad. Pinaliwanag sa akin ni Coby yon. Pati na rin ang misyon ko daw na iniwan ko dati. So far, wala naman akong naaalalang ganon. Nung nakaraan ko nga lang siya nakilala eh. Kakaiba man sa pandinig ko ang mga pinagsasabi niya sa akin, may pakiramdam ako na pamilyar ito sa akin.

I have decided that I will investigate him myself. Ako na mismo ang didiskubre kung ano ba talaga ako at sino ako. Lalo na si Coby. Ano ba ang naging parte niya sa buhay ko?

Bakit pilit niyang sinasabi na kilala niya ako nine years ago pa? Samantalang, ngayon ko lang siya nakilala. Ang dami rin niyang alam sa akin. Kakaiba talaga.

Three days had gone by since the 'big rat' incident. Kinalimutan na rin ng mga stupidents ang isyu ukol doon. Mabuti na lang daw at wala silang alam tungkol sa abandonadong library na yon.

Ang buong akala ko ay paglilinis lang ang gagawin ko--I mean namin pala ni Coby. Hindi pala. Ibang klaseng paglilinis pala at ako ang pain. At dahil ako daw ang pain, ako daw dapat ang tumapos sa mga sentinel na natira. Ang pagpatay daw sa higante ay pabor lang na binigay sa akin ni Coby.

Inayos niya ang polo niya at inilagay ang kanyang mga kamay sa lamesa."South Wing. We need to clear that place," sabi niya.

"Anong meron doon?"

"Creatures like you, Ms. President," sagot niya.

"Magagandang babae pala. Bakit? Insecure ka ba sa amin?" Binigyan ko siya ng may kahulugang ngiti.

"Ha-ha-ha. Ayan. Ayos na ba? Seryosohin mo ako, Lovelace. Buhay ng mga tao ang nakataya dito. Nauubos na rin ang oras. Dumadami sila. Parami ng parami."

Bago pa man ako makapagsalita, isang tanong ang nagpaurong ng dila ko. Isang tanong mula sa kanya.

"Hanggang kailan ka ba magpapanggap?"

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon