Chapter 3: The Library

27 0 0
                                    

Isa na namang walang kwentang chapter sa buhay ko ang magaganap sa araw na 'to. O bukas. O sa susunod na araw. O di kaya hanggang next week. O di kaya poreber.

Napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko ang abandonadong library na nasa harapan ko. Ang dumi. Ang alikabok. Ang daming lumot, agiw, at kabute. May mga peste pang nagsisigapang sa damuhan. Parang sobrang tagal nang hindi nagalaw.

Sa bagay, abandonado na nga diba? Tch. Aksaya sa lupa. Dapat nagpatayo na lang sila ng Cafe dito. Para naman may mapupuntahan ako bukod sa panghampaslupang cafeteria dito sa school. Pizza lang naman ang edible sa lugar na 'yun.

"Hay nako. Ako lang ang maglilinis nito?" sabi ko sa sarili ko.

Iba na 'to. May course kaya na Bachelor of Science in Cleaning Technology? Kung meron, okay sige. Yun na lang ang kukunin kong course. Doon naman ako nadevelop eh.

"Kasama kaya ako," bulong ng katabi ko.

Anak ng sinabawang tinapa!

"May balak ka bang patayin ako?!" napahawak ako sa dibdib ko. Kinapa ko pero walang nilikhang tunog o galaw man lang.

Oo nga pala. Ang ganda ko naman para makalimot.

"Ang OA mo naman," sabi niya habang may hinahanap sa bulsa niya. "Hala. Yung susi."

Lumapit ako sa pintuan ng abandonadong library. Malaki yung pinto at mataas. Medieval period ang design at nabubulok na. Ang baho pa. May mga gagamba sa gilid. Kadiri talaga.

May nakita akong kulay pulang liwanag mula sa keyhole ng bongga at nabubulok na pinto, medyo faint ang liwanag mula sa loob. Dahil curious ako, kinapa ko yung pinto.

It sudddenly opened, giving me a chance to peek inside and have a closer look at the red light.

Two red lights were illuminating inside. It made me feel cold and made me shiver.

You know why?

Sa palagay ko, isang pares ng mga mata ang nakita ko, at nakatitig ito sa mga mata ko.

"Ada, nabukas mo na agad?"

"Ay kabayo ka!" napatalon ako sa gulat. "Ano ba?! Kita mong nagcoconcentrate ako eh!" bulyaw ko sa kanya. Ano ba naman kasi! Nandun na eh!

"Tsk. Bahala ka nga diyan," sabi niya sabay pasok.

Grabe. Feel at home lang. May pasipol-sipol pa. Bahay niya siguro 'to.

"Bakit kanina parang ayaw mong pumayag sa pinapagawa ni Ms. Dimaculangan? Tapos makikita kita ngayon na parang nasisiyahan ka pa sa gagawin natin," sumunod ako sa paglalakad niya habang nagmamasid sa buong paligid ng library. "Kadiri naman, may mga bungo pa," bulong ko.

Bungo ba yun ng mga tao? Hmmm. Baka naman unggoy lang. Whatever.

"Ba-hing!"

"Hahaha!"

"Ba-hing!"

"Hahaha! What was that?!"

"Ba-hing!"

"Hahaha! I can't breathe! I forgot to breathe!"

"Ano bang tinatawatawa mo diyan?!" tanong ko sa kanya. Nakakainis.

Pulang-pula na siya sa katatawa. Yung tawang wala nang tunog. Parang hindi na nga humihinga.

"Eh kasi--pfft! Ikaw kasi--haha! Wait," aniya. Nag-inhale exhale pa siya habang nakatapat ang palad niya sa mukha ko. "Bakit kasi ganyan ka bumahing?"

"Ha?" hindi ako nalinawan sa tanong niya. Ano bang masama sa bahing ko?

"Kung sa iba 'achoo!'," sabi niya habang umaaktong bumabahing. "Ikaw," aniya habang dinuduro-duro ako. "Ba-hing! HAHAHA!" then he burst out into a hearty laugh, echoing around the place.

Okay? Ganun siya kababaw.

"So, ano na? Let's start?" pag-iiba ko.

"Alright. Nakakatawa ka talaga bumahing," sabi niya.

K. Fine.

Sinimulan ko na ang dapat kong simulan. Kahit medyo kinikilabutan ako dahil sa mga nakita ko kanina.

Una, yung pares ng pulang mga mata na nakatitig sa akin. Pangalawa, yung mga bungo at butong nagkalat sa paligid. Ano naman kaya ang susunod?

Hayop na nag-mutate na nagmula pa sa sinaunang panahon?

Meh. Heto na naman ang imahinasyon ko.

Bakit kaya ako nakakakita ng gahalimaw na daga na mamula-mula pa ang mga mata sa harapan ko?

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon