Chapter 10: Dead body, Living soul

15 0 0
                                    

Aish. Aish. Aish. Aish.

Nasabi ko na bang sobrang naiinis ako kay Coby ngayon? Hilahin ba naman ako sa kung saan-saan. Ngayon, nakarating kami sa South Wing.

"Ano ba kasing hahanapin mo? Wala ka naman nang makikita pa doon eh," sabi ko sa kanya, hoping that he will stop whatever he's doing. You know, dragging me to nowhere.

Ayoko na ngang bumalik sa life-sized maze na 'to eh. Naaalala ko na naman kung paano dumanak ang dugo kahapon. Lalo na yung amoy. Ang baho eh. Sino bang hindi makakalimot doon? Lalo na yung misteryosong lalaking 'yon na biglang naging abo.

"Nasaan na? Bakit wala na?" taka niyang tanong. Naglakad-lakad siya at nagmasid sa paligid.

"Diba nga sabi ko sa'yo kanina? Bigla na lang nawala, pati yung lalaki, walang natira. Kaya nga bumalik na lang ako agad eh."

He clenched his fists and run his hand through his brown hair. Nakakadistract talaga yung hairstyle niya ngayon.

"Akala ko pa naman, mapapabilis na ang paghahanap ko," aniya.

"Ng ano?"

Dinala niya ang kanyang mga paa sa exit ng labyrinth, "Sa ibang lugar natin yan pag-usapan," sabi niya.

Naglakad kami palabas ng South Wing at dinala niya ako sa isang kakaibang lugar. Halos isang oras ang layo nito mula sa school.

Kung hindi mo ito pagmamasdang mabuti, hindi mo agad ito mapapansin. It was hidden. Merong secret passage papunta dito. Ang pinto ay natatabunan ng mga damo at isang Daisy ang tanging senyales na nandito nga ang lugar na pupuntahan namin.

Underground laboratory. Kahanga-hanga. Hindi ko sukat akalain na ang isang talipandas na katulad ni Coby ay nagmamay-ari ng ganito. Isa daw kasi siyang scientist. Self-proclaimed.

Test tubes, microscope, lab samples, typical things a laboratory would definitely have are neatly placed. Napakalinis ng paligid. Shimmering white.

Coby grabbed his white coat and swiftly put it on himself. I watched him silently as he plodded his way inside a room.

Wow. Iniwan ang bisita niya ng mag-isa.

Being the curious lady I am, I played with the intruments inside his lab. Isa lang ang masasabi ko, masaya 'to.

I poured unknown substances inside different test tubes and watch every chemical reaction they made. I can't help but smile. Nag-iiba iba ang kulay ng mga likido sa mga lalagyan nito. Parang magic.

"Lovelace?! What the heck! Maghanap ka ng ibang paglalaruan!" saway niya sa akin.

Napatalon ako at nabitawan ang test tube na hawak ko dahil sa pagsigaw niya.

Napakainit. Nakakapaso. Kasing-init ng apoy ng lalaki na nagligtas sa akin sa labyrinth. Nalapnos ang balat ko at nakikita na ang laman sa loob. Nagpatuloy sa pagdugo ang braso ko. Simula sa siko hanggang sa dulo ng mga daliri ko.

"Agh! Mahapdi, mahapdi, masakit!" daing ko. Napapikit ako sa sobrang sakit ng kanan kong braso. Ang mga nagkapira-pirasong salamin ay nagkalat sa sahig at tumama rin sa kanang paa ko. Ngunit dahil sa sobrang hapdi ng braso ko, hindi ko na pinansin ang nagdurugo kong paa at hinayaan lang ito.

"S-sorry!" aniya. Hinila niya ako sa isang kwarto at pinaupo ako sa isang upuan--malamang. Hindi katulad ng laboratoryo niyang puti, ang kwarto na 'to ay kakulay ng payapang langit tuwing umaga.

Talipandas talaga! 

"Hoy! Hindi mababawasan ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko!" bulyaw ko sa kanya. Tarantang-taranta siyang nagpaikot-ikot sa kwarto na parang may hinahanap. 

"Ito nga!" aniya. Hawak niya ang isang bote ng malamig na tubig na nagyeyelo pa at nagmamadali niya itong binuksan at walang habas na binuhos sa napaso kong kamay.

"Agh! Bobo! Ang tanga mo! Cool water hindi Iced Water! Tanga! Bilisan mo!"

Hindi niya inintindi ang mga pang-iinsultong sinabi ko at kumuha ng isang timba ng tubig na katamtaman lang ang temperatura. Ibinabad ko ang paa at hinugasan ang braso ko dito.

"Kuha mo ako ng Bacitracin at sabon--yung Safeguard, dali!" utos ko sa kanya. Bumalik siya agad, dala ang mga pinakukuha ko. 

Dios Mio, ako ang injured, ako pa mag-aalaga sa sarili ko. 

Nilinisan ko ang mga napaso kong balat ng marahan at humingi sa kanya ng bandage at binalot ang braso at paa ko. Good thing, meron siya ng mga non. Kung hindi, kutos ang aabutin niya sa akin. 

Nanatili lang akong nakaupo habang siya naman ay pinagmasdan ako. Parang may gustong sabihin na hindi naman masabi. Maya-maya'y tumayo siya at lumapit sa akin. Iniangat niya ang kanyang kanang kamay at inilatag ito sa dibdib ko.

Pervert alert!

Agad ko itong tinampal palayo. Napa-aray siya at nagtatakang tumingin sa akin.

"Zombie ka 'diba? Bakit ka napaso?" taka niyang tanong.

"Hindi ako zombie! Hindi lang talaga siya gumagana," sabi ko habang nakalapat ang kaliwa kong kamay sa aking dibdib. "You know what? My heart's dead, but I can feel too."

"Alam mo ang nakapagtataka?" aniya. I glanced at him and gave him a questioning look.

"How can you move when you're heart is no longer beating?"

That question struck me. Matagal ko na ring tinatanong yan sa sarili ko pero, wala pa rin akong nahahanap na sagot.

"Could it be that, your body's dead but your soul is alive?" tanong niya.

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon