Chapter 11: Fire Flower

10 0 0
                                    

"Could it be that, your body's dead but your soul is alive?"

Binabagabag na naman niya ako dahil sa tanong niya kahapon. Bakit ba masyado siyang curious? Tsaka bakit ba siya nakikisawsaw sa buhay ko?

Naisipan kong maglakad-lakad na muna sa subdivision na tinitirhan ko para naman marelax ako. Malapit nang lumubog ang araw at kahel na ang kalangitan.

Malamig ang panahon ngayon at maraming tao sa labas. May mga batang nagpapaputok, nag-iingay, at nagtatakbuhan. Ang mga nanay naman ay busy sa paghahanda ng mga panghanda nila para sa Media Noche.

Mga hampaslupa nga naman. Kaawa-awa. Kailangan pa nilang magpakapagod para lang makapaghanda sa Media Noche. Buti pa kami, may mga tagapaghanda. Kahit isang butil ng pawis ay wala kaming inaksaya. Mayaman kami eh.

Napatitig ako sa mga kulay pulang palawit sa may pintuan ng iba't ibang bahay kaya naman hindi ko napansin na may nabangga na pala akong tao. At dahil mayaman ako, hindi ako nagsorry.

"Ay, sorry!" ani ng lalaki. Nakaitim siya. As in all black. Tumingala ako para makita ang mukha niya dahil napag-isip-isip ko na baka si Toshio ang nakabangga ko.

Laking gulat ko ng malaman ko kung sino siya.

Dancer in the flames. Siya yung lalaking parang nakikipagsayawan sa apoy. Yung lalaking nagligtas sa akin. Yung parehong waiter sa paborito kong café. At katulad ng senaryo noon sa café, namumutla siya at gulat na nakatingin sa akin. Maya-maya'y bumalik na naman ang mapaglaro niyang ngiti. Ang parehong kwadradong ngiti. Ang wala niyang kabuhay-buhay na mata ay ganon pa rin.

"Nakakasurpesa naman na makita ka dito ngayon, Lovelace," aniya. Hindi pa rin maalis ang kanyang ngiti. Hindi ko alam kung pinipilit niya lang ngumiti o ano eh.

"Ikaw," bulong ko. "Hindi ba naging abo ka na?" tanong ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina at tumango.

"Oo nga. Naging abo nga ako, tama ka doon,"sabi niya.

"T-tapos nawala ka 'diba?! Bakit buo ka pa?!" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya.

Nakita ng dalawa kong mata kung paano siya naging abo at kung paano siya nawala. Imposibleng mabuo siya ulit. Napakaimposible.

Tumawa ulit siya ng mahina. "Ilusyon lang 'yon. Hindi totoo ang nakita mo ng araw na 'yon. Napasailalim ka lang sa isang ilusyon kaya naman hindi mo napansin kung paano ako umalis," pagpapaliwanag niya.

So, ibigsabihin, ang gwapong hampaslupa na 'to ay marunong gumamit ng mahika?!

"Ibig sabihin, sorsero ka?"

"Hmm, pwede rin," sagot niya. Nagsimula siyang maglakad at sinabayan ko siya para magtanong pa ng maraming bagay. Komportable ako sa kanya. Hindi naman siguro siya harmful.

"Pwede? Ano ka ba talaga?"

"Pwede mo rin akong tawaging isang sorsero dahil marunong akong gumawa ng mga spell. Apoy ang gamit ko," aniya.

"Ahh. Ang galing. Ano nga palang pangalan mo?"

Tumahimik siya at nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Blangko. Pero agad niya itong binago at bumalik na naman ang ngiti niya.

"Sa kasamaang palad, binibini. Hindi ko pwedeng ipaalam sa'yo ang pangalan ko."

Ano ba yan. Hindi pwede 'yon. Alam niya pangalan ko tapos hindi ko alam yung sa kanya? Alam ko namang famous ako kaya maraming nakakaalam ng pangalan ko, pero unfair naman siguro kung hindi ko alam yung kanya. Kasi... kasi gusto ko lang malaman kung sino siya. Yun lang.

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon