Chapter 9: Sacred Heart

21 0 0
                                    

Hinawakan ko ang kwintas kong may pulang diyamante na hugis puso. Tinignan ko ito ng mabuti at may nakita akong kulay puting likido sa loob nito. Hindi ito masyadong mahahalata hangga't hindi mo titignan ng mabuti.

Napakamisteryoso ng kwintas na 'to. Ibinigay 'to sa akin ni Momsie dati. Ang bilin niya, wag na wag kong tatanggalin kahit naliligo pa ako. Hangga't maaari daw, wag kong hahayaan na mahiwalay ang kwintas mula sa leeg ko.

"Ey! Mabuti naman at may nagawa ka ring tama! You know what? Kung gagawin mo lang ang mga ganong bagay katulad ng ginawa mo kahapon, hindi na tayo mahihirapan," sabi niya.

Inayos niya ang ngayon ay kayumanggi niyang buhok. Yung totoo? Pang-ilang palit na niya ng kulay ng buhok ngayon?

"I'm impressed, Ada Lovelace. You did 'our' task well," ani ng spokening dollar na si Coby. And yes, brown na ang buhok niya ngayon. Hindi ko pa ba nasasabi? Noong nakaraan araw kasi, dilaw ang buhok niya. Ano kayang trip nitong taong 'to?

"Anong task natin?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang kwintas ko.

Ang mga estudyante sa loob ng cafeteria ay maingay at magulo. Same scenario. May nagbabatuhan ng papel at pagkain. May naghahabulan. May mga matitino rin naman, ngunit bilang lang sa kamay--at kabilang na ako doon siyempre. Ewan ko na lang sa hampaslupang nasa harapan ko ngayon.

"Zombies."

Bigla kong naalala ang mga sinabi ng misteryosong lalaki kahapon.

"Lovelace. Totoo ngang buhay ka pa rin."

"Ang sagradong puso, alagaan mo sana."

"Sagradong puso," bulong ko.

Napaigtad si Coby at matalim na tumingin sa akin. Ang mga mata niyang kakulay ng kristal ay pumungaw.

"Anong sinabi mo? Sacred heart?" Tanong niya.

Pumangalumbaba ako sa lamesa at nag-isip. Parehas lang yun diba? He just translated it into english. Pero sabagay, mas maganda pakinggan kung Sacred Heart ang tawag.

Tumango ako ng dalawang beses bilang pagtugon. Kasabay nito ang panlalaki ng mga mata niya at pagbuka ng bibig niya.

"S-sacred heart? Alam mo kung ano 'yon?!" Aniya. Hindi maipinta ang mukha niya ngayon. Parang excited na natatae. Parang maiihi siya sa upuan niya ngayon. Hindi mapakali ang kamay niya at para bang nagta-type siya sa lamesa dahil sa likot ng mga daliri niya. "Alam mo ba kung nasaan 'yon?!" dagdag pa niya.

Isinantabi ko ang mga tanong niya at ang pangangati ng pwet niya. Imbis na pansinin siya, pinaglaruan ko na lang kwintas na rubi. Ang puting likido sa loob ay napakagandang tignan. Parang blackhole na hihigupin ka paloob.

"Huwag! Huwag mong gawin 'yan!"

Hindi ko sila pinansin at tulad ng isang manika, sinunod ko ang sinasabi ng lalaki.

"Akjshhejskaigd."

Anong nangyayari? Nasaan ako?

Para akong nalulunod. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko na pinipigilan ako na magsalita.

"Huwag! Nilalabag niyo ang sagradong batas!"

"Hindi namin ito gagawin kung hindi dahil sa kapalpakang ginawa ninyo!" Gigil na sumigaw ang lalaki at patuloy sa pag-utos sa akin ng gagawin. Ang masangsang na amoy ng dugo ay tila binuhay ang diwa ko at mas lalong naging aktibo ang pag-iisip ko.

Parang nasa loob ako ng isip ng isang tao. Para akong nanonood ng isang palabas. Ang palabas ng mga ala-ala ng isang hindi kilalang tao.

Puso. Kailangan ko ng puso. Kailangan ko nito.

"Jiahei! Lian Jiahei! Itigil mo na yan!" sigaw ng mga babae.

Lian… Jiahei?

Pamilyar sa akin ang pangalan na nabanggit ng mga babaeng nagkukumahog na pigilan ang babaeng ngayon ay walang habas na pumapatay ng kapwa niya tao.

"Ipagpatuloy mo lang."

"Ada! Ada! Hey! Ano ba, Pres! Gumising ka nga!" Inis niya akong inalog hanggang sa mahilo ako.

Para bang umikot ang mundo sa ginawa niya. Pakiramdam ko, masusuka na ako. Dahil ba 'to sa hindi ko pagkain ng pizza simula pa kahapon? May Pizza Withdrawal Syndrome ata ako.

"Kanina pa kita tinatanong! Bakit ba ayaw mong sumagot?!" galit siyang nagtanong.

Lukot na lukot na ang mukha niya at namumula pa. Ang mga ugat sa kamao niya ay nakikita na.

"Ano bang tanong mo?"

"SACRED. HEART. Siguradong alam mo kung nasaan 'yon."

"Wala. Ewan. Narinig ko lang 'yon sa lalaki kahapon na nagligtas sa akin dun sa South Wing," sagot ko sa kanya. Isinantabi ko muna ang mga nakita ko kanina.

Wala akong alam. I have too many questions myself. Ano bang nangyayari?

Hindi naman 'to mangyayari kung hindi ko nakilala ang spokening dollar na nasa harap ko ngayon. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ako makakakita ng mutated na daga na kamuntikan pa akong patayin--well, niligtas niya naman ako pero! Hindi counted 'yon! Hindi lang 'yon. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ako maiiwang mag-isa sa library na 'yon para kuyugin lang ng iba pang mga daga. Kung hindi ko siya nakilala, hindi ako maliligaw sa labyrinth na 'yon at hindi ako pagpe-pyestahan ng mga zombie. Pero ayos lang din kasi, may nagligtas sa akin. Pero hindi rin counted 'yon!

Basta! Hindi gugulo ang isip ko kung hindi dahil sa kanya. Isa lang naman akong half zombie na gustong mamuhay ng normal pero bakit kinailangan pang manghimasok siya sa tahimik kong buhay?

Ni hindi ko nga siya kilala eh! Ang alam ko lang ay ang pangalan niya. Ang alam ko lang, may pagkawirdo siya. Ang alam ko lang, pervert siya at english speaking siya minsan. Bukod doon, wala na.

"Lalaki? Nagligtas sa'yo sa South Wing? Does that mean that you were not the one who cleared out the mutated beings in South Wing yesterday?!" tanong niya na hindi makapaniwala.

Napalakas ang hampas niya sa lamesa na naging dahilan para pagtinginan siya ng mga estupidyante. Maya-maya'y nagsibalikan sila sa gawain nila dahil: Una, wala silang pake kay Coby. Pangalawa, wala silang pake sa kanya. At pangatlo, nasabi ko na bang wala talaga silang pake sa kanya?

"Anong mutated beings ka diyan? Oo, ang lalaking 'yon ang umubos sa mga nanlilimahid na mga bangkay na 'yon. Hindi ko naman yon magagawa ng mag-isa lang ako. At isa pa, takot kaya ako sa zombie," sagot ko sa kanya.

"Anong pangalan ng lalaking 'yon?!"

Aba. Aba, aba, aba. Ano na naman ang ikinagagalit ng taong 'to? Coby, may PMS ka ba?

"Hindi ko alam. Tanungin mo siya. Hingin mo na rin cell. number niya. Para naman may 'communication' kami," sabi ko.

Weh. Ansabe?

Tumingin siya sa kawalan at tila may iniisip siyang malalim. Yung tipong out of this world ba. Out of this world din kasi mag-isip ang lalaking 'to.

Ano bang meron sa Sacred Heart na sinasabi nila? Parang napakabig deal naman non.

"I need to see him," aniya. Nakatingin pa rin siya sa kawalan.

"Sino?"

"Yung lalaking sinasabi mo kanina. Kailangan ko siyang makita, as soon as possible."

"Eh... talaga? Imposible yata 'yang sinasabi mo, Coby," sabi ko habang umiiling-iling. "Naging abo kasi siya at biglang nawala na parang bula. Pop! Hehehe!"

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon