Chapter 7: Underground Labyrinth

14 0 0
                                    

Hindi ako makatulog. Hindi naman ako ganito dati. Mabilis naman ako dalawin ng antok. Ng dahil sa tanong na 'yon, gumugulo na ang utak ko ngayon.

Hanggang kailan nga ba ako magpapanggap? Hanggang kailan ako magkukunwaring isa lang akong ordinaryong tao?

Idinako ko ang kanan kong kamay sa kaliwa kong dibdib. "Kailan ka ba gagana? Ha? Kailan?! Bwisit!" sabi ko dito. Yeah. Para namang maiintindihan ako ng puso ko. "Bwisit, bwisit!" Paulit-ulit ko 'tong hinampas, pero wala akong naramdaman.

"Agh! Kainis! Nakakainis!"

*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°

Iritado man ako, naisipan ko pa ring pumunta dito, sa South Wing. Underground 'to. Dito nagdadaos ng... ehm. Wala nga pala akong alam tungkol sa lugar na 'to. Bakit kaya South Wing ang tawag? Eh underground 'to? Bakit nga ba ako napadpad sa bulok na lugar na 'to? Dahil sa kuryosidad, syempre. Gusto ko rin namang malaman kung anong nangyayari at ano ang sinasabi ni Coby na parami ng parami. Nilanghap ko ang simoy ng hangin. Ang baho, potek. Ang polluted talaga sa lugar na 'to. Amoy inaagnas na bangkay. Pinag-aralan ko ang paligid. And wow, ha! Ang linis! Note the sarcasm, please.

Tinakpan ko ang ilong ko dahil sa baho na naamoy ko. Diyos ko. Hindi ba naliligo ang mga tao dito? Kaya siguro umaabot hanggang sa kailaliman ng lupa ang anghit nila eh.

Naglakad-lakad pa ako para makapag-eksplor ba. Nakakalito ang lugar na 'to. Maraming pasikot-sikot. Just like a labyrinth. Mabahong labyrinth. Palingon-lingon ako sa kaliwa't kanan pero puro pader lang ang nakikita ko. Kaurat.

Naliligaw na yata ako ah.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang madilim na kawalan. Isa lang ang masasabi ko,

PESTE. ANG BAHO.

Ang baho talaga. Nakakaurat lalo.

Maya-maya'y nakakita ako ng berdeng ilaw. Lumapit ako rito at unti-unti 'tong lumalaki. Parang nakapasok yata ako sa isang tunnel. Habang palapit ako ng palapit...

LALONG BUMABAHO. BWISET.

Nang matapos ko na ang tunnel, nagsimula akong magsisi. Sana hindi na lang ako nagpunta dito ng mag-isa.

Ayoko. Ayokong makakita ng ganito.

Zombies. REAL ONES.

They're creeping the hell out of me. Mehe. Knowing that we're alike in some ways won't lessen my fear. Nakakatakot makakita ng zombie sa personal.

Naagnas na ang mga balat nila. May mga insekto at uod na naglalabas-masok sa kanilang katawan. Ang ibang parte ng katawan nila ay nakahiwalay na sa kanila. Ang mga buhok nila'y unti-unting nagsisilagas habang dahan-dahan silang naglalakad.

Lahat sila, iisang lugar lang ang paroroonan. Ako. Papunta na sila sa akin.

Gusto ko mang tumakas, pero napako ako sa lugar na kinatatayuan ko.

Until Your Heart BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon