CHAPTER FOUR

6.6K 123 0
                                    

HINDI mawala ang mga ngiti sa labi ni Marisse. Wala siyang pakialam kahit pagkamalan siyang baliw, basta ang mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon. Siya ang pinakamasayang babae sa buong Tanangco.

Naputol ang pag-iisip niya ng pumasok doon sa kuwarto niya si Jester, kasama si Marvin.

"Hey! You're here!" masayang bati niya sa mga ito.

"You seems very happy." Puna sa kanya ni Marvin. "Ilang araw na kitang napapansin na ganyan. Anong nangyayari?" seryosong tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya, pagkatapos ay muling humarap sa salamin. At nginitian ang sarili.

"Wala naman. Ayaw mo ba na ganito kasaya ang kakambal mo, B1?" sagot niya.

"Be honest with me, Marisse. What's going on with you and Kevin? Ilang araw na namin napapansin lahat na madalas kayong magkasama. Kayo na ba ulit?" diretsong tanong ni Jester sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "I think so." Simpleng sagot niya.

"Kelan pa?" tanong ni Marvin.

"A few weeks ago," sagot niya. "Teka, bakit? Hanggang ngayon ba ayaw n'yo pa rin sa kanya?"

"It's not that, Marisse! Alam mong may girlfriend siya ngayon!" galit na singhal sa kanya ng kakambal.

"Hiwalay na sila! He broke up with her! At kung sakaling sila pa ng babaeng 'yon at ako ang mahal niya. Ipaglalaban ko siya! Ilang taon akong naghirap na wala siya sa piling ko. Hindi ko na hahayaan pang mawala siya!" sigaw niya dito.

"Huwag mo akong sisigawan, Marisse! At huwag mo rin sabihin na hindi kita binalaan, kapag nasaktan ka niya ulit! Kaibigan ko si Kevin, pero ang ayoko lang ay ang pinaasa ka niya at sinaktan."

"Wala akong pakialam kahit masaktan ulit ako!" sagot niya.

"You're crazy!" galit na wika ni Marvin.

"Insan, chill down." awat ni Jester dito.

"Nakalimutan mo na ba kung paano ka nasaktan at umiyak noong mga panahon na kinalimutan ka niya! Are you really that crazy? Ngayon, magpapaloko ka na naman sa kanya!" singhal sa kanya ng kakambal.

"Baliw na kung baliw! Wala akong pakialam! Masaya ako na bumalik siya sa buhay ko. Iyon ang mahalaga sa akin ngayon." Sagot niya dito.

Dahan-dahan na pumatak ang mga luha niya.

"Kahit alam mong maaari ka na naman masaktan sa ginagawa mo? Paano kung ipaglaban din siya ng babaeng 'yon?" nag-aalalang tanong ni Marvin.

Luhaan ang mga mata na tinignan niya ito. "Gaya ng sabi ko sa'yo, ipaglalaban ko siya. Bumalik lang ulit ang dating mayroon kami."

Bumuntong-hininga ang kambal niya at umiling. Nang hindi makatiis ay agad itong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"I really hate you for this. Hindi mo dapat ginagawa ito sa sarili mo." Sabi ni Marvin.

"Mahal na mahal ko siya kaya ko ginagawa ito."

"You're a smart, girl. I should know, I'm your twin brother."

"Whatever happens, B1. Alam ko naman nandiyan ka at hindi mo ako iiwan." Sabi niya habang umiiyak.

"Of course,"




HINDI maipaliwanag ni Kevin ang saya na nararamdaman simula ng mga mag-usap sila ni Marisse. She's everything to him. Hindi pa ito sumagot nung sinabi niyang mahal pa rin niya ito. Pero ramdam niya sa mga kilos nito, at sa halik nito na mahal din siya nito. Alam niyang sa mga sandaling iyon nag-iisip pa rin ito, at gusto niyang bigyan ito ng panahon. Tiwala siya sa pagmamahalan nilang dalawa. Kung may pinagsisisihan siya sa mga nangyari sa buhay niya sa America, iyon ang hinayaan niyang malubog sa utang ng loob sa Daddy ni Susane. Ngunit sa pagkakatanda niya, bayad na siya sa lahat ng utang ng loob na iyon. May interes pa. Pero ang diktahan ang puso niya, hindi na niya kaya iyon.

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle BandongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon