EXCITED si Kevin na bumaba ng sasakyan. Kadarating lang niya galing ng America. Gaya ng payo ng kinakapatid at kaibigan niyang si Jester. Ginawa niya ang tama, habang naghihintay sa pag-uwi ng babaeng pinakamamahal niya.
Bumalik siya sa America at hinarap niya ang mga magulang ni Marisse. Gaya ng napag-usapan nila ng Daddy nito, ilang taon na ang nakakalipas. Handa na siyang ibigin ito at kaya na niyang panindigan ito. At sa pag-uusap nila ng lalaki sa lalaki. Humingi siya ng tawad dito dahil nasaktan niya si Marisse. Pinaliwanag din niya ang nangyari sa kanya at kay Susane. Pinandigan niya sa Ama nito, kung gaano niya kamahal ang anak nito. He even confess him that he's ready to marry her anytime. That's how he loves her. At wala na yatang mas sasaya pa sa kanya ng sa wakas nang ibigay nito ang basbas nito, para sa pag-iibigan nila.
Matapos niyang kausapin ang mga magulang ni Marisse. Sunod naman niyang kinausap si Mr. Smith. Muli siyang nagpasalamat dito ng lubos. Saka niya tinurn-over dito ang kumpanya niyang tinayo doon. Ayaw pa nga nitong tanggapin ang kumpanya dahil sa kanya daw iyon. Pero pinaliwanag niya dito, na sa bagong buhay na uumpisahan nila ni Marisse na magkasama. Nais niyang tanging sila lamang ang magkasama sa mundong bubuuin nila, at walang bahid ng nakaraan. Hindi na rin sila nagkita ni Susane, ayon sa Daddy nito. Nasa Europe daw ito at doon piniling pansamantalang naninirahan.
At ang araw na iyon, ang pagbabalik ni Marisse galing ng London. Sa wakas, dumating na ang pinakahihintay niya. Ang makapiling ito. Pumasok siya agad sa bahay ni Lolo Badong pagdating niya. Sinalubong siya ng mga kaibigan niya. Ngunit, nagtaka siya. Imbes na matuwa ang mga ito sa pagdating niya. Tila nag-aalala ang mga ito.
"Bakit ganyan ang mga mukha n'yo?" tanong niya.
Nagtinginan pa ang mga ito.
"Naku Kevin, mabuti't dumating ka na. Nawawala si Marisse. Biglang umalis na lang kanina." Nag-aalalang sagot ni Lola Dadang. Maging si Lolo Badong ay hindi mapakali.
"Po? Bakit? Anong nangyari? Akala ko ba ngayon ang dating nila galing ng London?" sunod sunod na tanong niya.
"Oo nga, pero ng malaman niya na umalis ka. Sinabi namin na may inayos ka sa US. Siyempre, hindi namin sinabi kung ano yung inayos mo. Ayun, akala yata si Susane ang pinuntahan mo doon. Biglang umalis, hindi na naman nagpapigil." Kuwento pa ni Wesley.
"Ginatungan mo pa kasi, sabihin mo ba naman nagkabalikan eh!" singhal ni Mark dito.
"Pengkum you! Ang sabi ko, 'baka'." Depensa pa nito sa sarili.
Nabalot ng pangamba ang puso niya. Nasaan si Marisse?
"Walang sinabi kung saan siya pupunta? Tinawagan n'yo siya?" sunod-sunod na tanong niya.
"Naka-off ang cellphone niya." sagot ni Gogoy.
"Pinahanap ko na rin siya sa mga bodyguards ko, pero hanggang ngayon hindi pa rin nila mahanap si Marisse." Sabi naman ni Daryl.
Ilang sandali pa, dumating si Marvin kasama si Miguel.
"Where is she?" salubong niya agad dito.
Umiling ang una. "Hindi namin siya makita." Nag-aalalang sagot ni Marvin.
"Ako ang maghahanap sa kanya," sabi niya. "What is she wearing? Para alam ko kung paano ko siya ide-describe sa mapagtatanungan ko?" tanong pa niya.
Sinabi ng mga ito ang suot ni Marisse, maging ang mga dala nito. Paalis pa lang siya ng dumating na humahangos si Sumi.
"Kevin, nasa ibaba yung taxi driver na sinakyan ni Marisse kanina," sabi nito.
Mabilis silang bumaba. Nakita niya ang isang may edad na lalaki. May hawak itong passport.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong
Romance"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din s...