CHAPTER SEVEN

5.6K 108 3
                                    

NAROON si Marisse sa bahay ng Lolo at Lola niya ng mapansin niya din si Susane, malungkot ito at tila malalim ang iniisip. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya nilapitan ito.

"Hi, are you okay?" tanong niya dito.

Tipid na ngumiti ito, saka umiling. "Not so," sagot nito.

"Bakit? Nag-away ba kayo ni Kevin?" tanong pa niya.

Umiling ito. "No," usal nito.

"Iyon naman pala eh, bakit malungkot ka?"

"I'm really having this doubt on this wedding." Anito.

Kumabog ang puso niya. Hindi niya alam kung tama ang narinig niya. Hindi kaya sinabi na ni Kevin dito ang tungkol sa nakaraan nila? Kung oo, bakit hindi siya inaaway nito?

"Really?"

"Yes," sagot nito, sabay tango. "I don't know. It's just that, I have this feeling that I don't have his heart until now. Na naaawa lang siya sa akin, that's why he stays in this relationship. Sa tuwing magkasama kami, madalas, palagi siyang wala sa sarili. Malakas ang pakiramdam ko na may ibang babae siyang iniisip. At nasasaktan ako. He's all I have, Marisse. Hindi ko alam kung kakayanin kong mabuhay ng wala siya. Alam ko naman na hindi niya talaga ako mahal, pero naniniwala akong matututunan din niya akong mahalin." Paliwanag nito.

Parang tinadyakan si Marisse sa huling sinabi nito. Bigla ay naawa siya dito. Kung nalalaman lang nito, na siya ang babaeng iyon. And she's guilty of loving Kevin up to this moment.

Bakit? Mapipigilan mo ba ako kung si Kevin ang isigaw ko? Tanong ng puso niya, at alam niya ang kasagutan doon.

Pinilit niya na ngumiti dito, saka nilakipan na lang ng biro ang sagot niya dito. "Ano ka ba naman? Kung anu-ano ang pinagsasabi mo diyan, that's what you called wedding jitters." Pag-aalo niya dito.

"No, it's not wedding jitters. Matagal ko ng nararamdaman 'yun kay Kevin."

"Did you tell him about it?" tanong niya.

Umiling ito. "No. Natatakot ako sa maaari niyang isagot niya sa akin." Hindi na kumibo pa si Marisse.

Patawarin mo ako, Susane.

Nang hindi na nakatiis.

"Excuse me, may kukunin lang ako sa kuwarto nila Lolo." Paalam niya. Tumango lang ito. Pagdating niya sa loob ng silid, doon siya tila nakahinga ng maluwag.

"Hija,"

Napalingon siya. Naroon pala ang Lola niya sa tabi ng bintana at nakupo sa rocking chair nito.

"Lola,"

"Hanggang kailan mo titiisin ang lahat ng ito?" tanong nito.

"Malapit na po itong matapos, konting panahon na lang." sagot niya.

"Alam kong mahal mo pa rin siya."

"Lola, bakit po kayo noon tumutol sa relasyon namin ni Kevin?" tanong niya dito.

Lumapit siya sa abuela, naupo siya sa sahig at inunan ang ulo niya sa mga hita nito. Naramdaman niya ng himasin nito ang ulo niya.

"Dahil napakabata n'yo pa noon. Natakot kami na baka maging mapusok kayo. Gusto namin na tumayo sa sariling paa niya si Kevin. Nang sa ganoon, sa paglaki n'yo at maaari n'yo ng ipagpatuloy ang pagmamahalan n'yo. Na kahit wala na siyang magulang, kakayanin niyang mabuhay sa mundo. Nang sa ganoon ay kaya ka niyang panindigan. Isa pa, lumaki kayong dalawa sa pangangalaga namin. Hindi magandang tignan na halos nakatira kayo sa iisang bubong ng may relasyon kayo. Ayaw namin pag-isipan kayo ng masama ng ibang tao. Kaya napilitan kami na paghiwalayin kayo." Paliwanag nito.

Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle BandongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon