ANG pagdating ni Kevin sa buhay ni Marisse ang hindi niya makakalimutang sandali na buhay niya. Nang dumating ito sa pamilya nila, noong una'y hindi ito nagsasalita dala ng trauma na dulot sa trahedya na nagbunga sa pagkawala ng mga magulang nito. Ilang buwan din itong halos palaging tulala, hanggang sa isang araw, nagawa niyang mapangiti ito ng isang tanghali matapos nilang kumain. Nakita niyang nakaupo ito doon sa wooden bench sa may garden sa bahay ng Lolo niya. Kinuha niya ang gitara at tinugtugan ito saka kinantahan. And the next thing she knew, nakangiti na ito sa kanya. Hindi nagtagal, nakapagsalita na ito. Hanggang sa tuluyan na itong naka-recover sa mga nangyari.
Kasabay ng lahat ng iyon, naging malapit sila sa isa't isa. At sa paglipas ng mga panahon, naging mas malapit sila. Highschool na sila, when Marisse felt that she started to fall for Kevin. Paano nga bang hindi mahuhulog ang loob niya dito? Ito ang naging tagapagtanggol niya sa lahat ng nang-aapi sa kanya. Noong bata kasi siya, isa siyang lampa bukod pa sa maliit siya at payat. 'Duwendeng Payatot' ang madalas na tinutukso sa kanya ng mga kaklase niya. Isa pa, madalas ay kasama niya ito sa lahat ng oras. Karamay sa lungkot at saya. At sa tuwing may magugustuhan itong ibang babae sa school nila. Daig pa niya ang sinasaksak ng harapan sa dibdib. Sa kabila niyon, hindi nagbago ang pagtingin niya dito.
JS Prom. Nang magbago ang lahat sa kanilang dalawa. Ito ang naging escort niya. Nang sunduin siya nito sa bahay nila at nakita niya kung gaano ito kakisig sa suot nitong tuxedo. Parang huminto ang pag-inog ng mundo ng magtama ang mga mata nila. Gusto sana niyang itigil ang oras ng mga sandaling iyon. At sa buong gabing magkasama sila, pinaramdam nito sa kanya na parang siya lang ang babae sa buhay nito. Nanatiling sa kanya lamang ang atensiyon nito, sa kabila ng mga babaeng pilit na nagpapapansin dito. At bago matapos ang gabi, bago sila umuwi, dinala siya nito sa isang park na matatagpuan malapit sa school nila. Doon, nagtapat ito ng tunay nitong damdamin para sa kanya. Mahal din siya ni Kevin. All those years, she didn't know that they felt the same way. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, nang gabi ding iyon, inamin na rin niya ang pagmamahal niya para dito. Sa unang linggo, inilihim nila sa pamilya niya ang relasyon nilang dalawa. Napilitan silang umamin, nang komprontahin sila ng Lolo at Lola nila, mga magulang niya at ng Tito Rod niya. Napapansin na pala ng mga ito ang pagiging kakaibang pakikitungo nila sa isa't isa.
Nagalit ang mga magulang niya. Hindi matanggap ng mga ito ang relasyon nila. Bukod kasi sa bata pa sila, labis na inalala ng mga ito ang sasabihin ng ibang tao. Dahil simula ng maulila si Kevin, sa Pamilya na nila ito lumaki. Hindi daw magandang tignan na may relasyon sila at halos sa iisang bubong sila nakatira. Dahilan upang paglayuin silang dalawa ng Pamilya niya. Hindi sila mag-pinsan ni Kevin. Oo, kunupkop ito at pinag-aral ng Tito Rod niya. Pero hindi ito inampon ng legal. Hindi sila magkadugo. Kaya wala siyang nakikitang dahilan para hindi sang-ayunan ang relasyon nila. Pero dahil bata pa sila noon, wala rin siyang nagawa kung hindi ang sundin ang mga magulang niya. Hanggang sa may mga tsismosang nakaalam ng relasyon nila, inakusahan ng mga ito si Kevin na ginagamit lang daw siya nito dahil sa pera nila. Na hindi naman daw siya tunay nitong mahal at isa itong oportunista. Dahil sa paglala ng usapan tungkol sa kanila. Napagkasunduan ng mga nakakatanda na tuluyan na silang paghiwalayin. Isang bagay na talagang dinala niya ng mabigat sa kanyang kalooban. Inakala niya na ililipat lang ng mga ito ng tinitirhan si Kevin. Pero mas higit pa pala iyon sa inakala niya.
Isang gabi, ng magkaroon sila ng pagkakataon na magkita. Isang bagay ang inamin nito sa kanya. Dahil sa mariin na pagtutol ng pamilya nila sa relasyon nilang dalawa at dahil sa mga malisyosong usapan tungkol kay Kevin, pumayag si Kevin na lumayo pansamantala. Para hindi magdulot ng malaking problema. Sinakripisyo nito ang kaligayahan nilang dalawa. Sa tulong ng Tito Rod niya na Ninong nito, pumunta ito ng America. Doon ito namuhay ng mag-isa, nag-aral at nagtrabaho sa sarili nitong sikap. At kasabay ng pag-iwan nito sa kanya, ay ang pangako nito na muli siya nitong babalikan, upang ipagpatuloy nila ang pagmamahalan nila. At para mapatunayan nito sa mga magulang niya at sa lahat ng tao na hindi pera ang habol nito sa kanya at karapat-dapat ito sa pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong
Romance"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din s...