ILANG ulit ng binabasa ni Marisse ang huling text message sa kanya ni Kevin. Iyon na rin ang ikatlong araw na hindi siya lumalabas ng bahay nila simula ng dumating siya galing ng Seoul.
I miss having you here beside me. I want to see you.
Sa hindi mabilang na pagkakataon, sa tuwina'y naluluha pa rin siya sa tuwing binabasa niya ang mensahe nito. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman. Nasasaktan siya sa mensaheng iyon, dahil pareho sila nito. She felt the same way. Ang pagkakaiba nga lang nila ni Kevin, hindi niya kayang makita ito. Hindi dahil sa galit siya dito, kung hindi ayaw niyang makita ito kasama ang ibang babae.
"Hija, are you awake? Can we come in?"
Napapitlag siya ng marinig ang boses ng Lolo niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha.
"Pasok po," sagot niya, saka pinahid ang luha sa pisngi niya.
Isang magaan na ngiti ang binungad sa kanya ng mahal niyang Lolo. Hawak ang tungkod nito, pumasok ito sa loob ng silid niya. Naupo ito sa gilid ng kama niya, umunan siya sa hita nito at naramdaman niya na hinaplos nito ang buhok niya.
"How bad are you hurting, my princess?" tanong nito.
"Really bad, Lolo." Naluluha na naman sagot niya.
"Hanggang kailan ka iiyak?" tanong ulit nito.
"Hindi ko po alam," aniya.
"Hija, hindi mo kailangan magkulong dito. Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. Kailangan mong harapin ang mundo sa kabila ng matinding pagkabigo na nararamdaman mo." Payo nito.
"Ayokong makita siya na may kasamang iba."
"Kapag hindi mo tinatagan ang loob mo, habang buhay kang magiging ganyan ka-miserable. Ikaw pa rin ang talo. Marisse, I know you are a tough woman. You are a Mondejar, and you have God in your heart. Why don't you asked Him to heal your broken heart? I'm sure, God will not hesitate to do it. Just ask." Dagdag pa nito.
Ngumiti siya dito, saka niyakap ito. "Thank you, Lolo."
"Alam kong ayaw din ni Kevin na magkaganyan kayo. Kilala ko ang batang iyon, napakabuti niya. Dangan lamang, wala siyang magawa sa sitwasyon niya ngayon. Pero alam kong, mahal na mahal ka pa rin niya." Lalo siyang naiyak. Iyon na nga ang pinakamasakit sa lahat.
"C'mon, tumayo ka diyan." Utos sa kanya ng Lolo niya. "Ayusin mo ang sarili mo. Lumabas ka, harapin mo sila. Doon magdi-dinner ang mga pinsan mo, gusto kong sumama ka."
"Pero Lolo," protesta niya.
"I will not take no for an answer."
Napabuntong-hininga siya. "Sige na nga po," napilitan niyang sagot.
"I'll wait for you, okay?"
"Yes Lolo."
Nang masiguro nitong nasa maayos na siyang kalagayan, umalis na ito. Nang muli siyang maiwang mag-isa sa loob ng silid. Natuon ang pansin niya sa Bible na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Aaminin niya, simula ng mangyari ang lahat ng gulo sa pagitan nila ni Kevin. Hindi na niya nabuklat ito para basahin man lang. Masyado siyang nagpadaig sa problema. Nakalimutan niyang mas malaki pala ang Diyos niya kaysa sa kahit na ano pa man. Then, she closed her eyes and pray.
Alam ko po na masyado akong nagpadaig sa problema. And I'm sorry, Lord, if I forget about you. Itinataas ko na po sa inyo ang lahat ng ito. Mahal na mahal ko si Kevin, pero, handa rin po akong magpaubaya kahit katumbas niyon ay buhay ko. Kung talagang hindi po siya ang lalaking nilaan n'yo para sa akin. Tanggalin po Ninyo ang pagmamahal na ito para sa kanya. Ikakasal na siya. Mali na mahalin ko pa rin siya. Have your way in me, Lord. Let your will be done. To you, I surrender everything. Amen.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong
Romance"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din s...