DALAWANG linggo na ang nakakalipas simula ng umalis si Marisse. At sa bawat minutong nagdadaan na hindi niya ito kapiling, daig pa niya ang unti-unting pinapatay. Mabuti pa noon, hindi man niya ito malapitan. At least, kahit sa malayo, natatanaw niya ito. Hindi kagaya ng ganito. Malayo na nga ito, hindi pa niya ito makausap.
Sinubukan niyang tawagan ito, o kahit i-email man lang. Ngunit, hindi ito nagre-response. Gusto niyang puntahan ito, ngunit, wala din naman siyang sapat na dahilan. Or worst, kapag pinuntahan niya ito. Magkasalisi naman sila, mas lalo silang hindi nagtagpo.
"Dude, okay ka lang?" tanong ni Jester sa kanya, paglabas nito ng silid nito. Pansamantala, habang pinapatayo pa niya ang bahay niya doon sa Tanangco. Dito muna siya sa bahay nito tumutuloy.
"No. I won't be okay unless, Marisse is back." Sagot niya.
Umiling ito. "Waiting is the hardest part of all. Imagine, ang pinagdaanan ni Marisse dati noong naghihintay s'ya sa'yo." Sabi pa nito.
"I know."
Inabutan siya nito ng canned softdrinks. "Why don't you do the right thing while waiting for her. Kung talagang mahal mo si Marisse. Gagawin mo ang tama. Panahon na siguro para harapin mo ang taong nagbigay sa'yo ng challenge para magsumikap ka sa buhay. Para may basbas ka ng kunin si Marisse." Sabi pa ni Jester.
Napaisip siya ng husto, pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "What do you mean?" tanong niya.
Ngumiti ito. "Talk to her Father." Sagot nito, pagkatapos ay bumalik na ito sa loob ng silid nito.
Napaisip si Kevin. Saka mabilis na bumalik sa alaala niya ang naging pag-uusap niya at ng Daddy ni Marisse. He was only sixteen years old back then.
"Gaano katagal na ang relasyon n'yo ni Marisse?" pormal na tanong ng Daddy ni Marisse.
"Isang buwan na po," nakatungong pag-amin niya.
Hindi mapakali ssa kinauupuan niya si Kevin. Ilang taon na niyang nakakasalamuha ang mga Mondejar. Sa Pamilyang iyon na siya lumaki simula ng maulila na siya, at hindi na iba ang tingin ng mga ito sa kanya. Ngunit iba ang araw na iyon. Daig pa niya ang ini-interogate ng Militar.
"At hindi n'yo sinabi sa amin. Nagsinungaling kayo." Pormal na sabi nito.
"Sorry po. Hindi naman po namin intensyon ang magsinungaling. Naunahan lang po kami ng takot. Pero sasabihin naman po talaga namin sa inyo." Paliwanag niya.
"Kevin, we have nothing against you. Kilala ka namin, nakita ka namin lumaki. At alam kong mabuti kang tao. Ilang beses na rin namin napatunayan ang katapatan mo. Pero, hindi namin maaaring tanggapin ang relasyon ninyo ngayon. Masyado pa kayong bata ng anak ko. Isa pa, iisang pamilya ang ginagalawan n'yo. Halos isang bubong lang kayo nakatira, alam mo naman na halos doon na matulog si Marisse sa Lolo niya. Hindi magandang tignan. Ayokong may masabing hindi maganda sa inyo at sa amin ang ibang tao. Ang gusto namin, pag-aaral n'yo muna ang asikasuhin ninyo."
Nangilid ang mga luha ni Kevin. Hindi niya alam kung kakayanin niyang layuan si Marisse. Mahal na mahal niya ito, at wala siyang mamahalin iba kung hindi ito lang.
"Hayaan muna natin na hubugin kayo ng panahon. Bibigyan kita ng isang challenge, and this is a man to man talk. Gusto kong magsumikap ka. Sa pag-aaral mo. Mag-trabaho ka. Be successful. Kapag natupad mo lahat ito, at pareho pa rin kayo ng damdamin ng anak ko sa isa't isa. Bumalik ka sa akin, mag-uusap tayo.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong
Romance"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din s...