"OKAY na ba 'tong suot ko?" tanong ni Marisse kay Kevin.
Ngumiti ito sa kanya habang sinisipat ang suot niya. "You look great," sagot nito na may kasamang papuri.
She wears a simple jeans, with a mix of maroon ang gray longsleeve collared blouse, and her high heels of course. Habang nagsha-shopping silang dalawa ni Kevin kanina, pasimple siyang nagmamasid sa mga Koreana na nakikita niya. Pinag-aralan niya ang fashion sense ng mga ito. At ang suot niya ngayon ay isa sa mga nabili niya. Ginawa din niyang wavy ang buhok niya, para mas eleganteng tignan kahit kaswal ang suot niya.
"Really? You think may magkakagusto na sa akin na Koreano?"
Pabirong lumabi ito. Natawa siya, nilapitan niya ito at kinintalan ng isang mabilis na halik sa labi. "Hindi bagay sa'yo magtampo." Aniya.
"Kahit nandito tayo sa bansa nila, kapag may pumorma sa'yo. Uupakan ko." Sabi pa nito.
"Ang tapang naman,"
Tinaas nito ang braso at pinagmalaki ang malaking muscles nito. "Takot lang nila dito," sabi pa nito sabay turo sa muscles nito.
"Oo na nga!" kunwa'y napilitan niyang sagot. "Wait, saan nga ba tayo pupunta?" tanong niya.
"You'll see," sagot nito. "If you're ready, then, we'll go ahead."
"I'm all set."
Hindi mawala ang pagkamangha ni Marisse habang sakay sila ng cable car papunta sa Seoul Tower. She's looking at the great city of Seoul when surrounded by lights. And it was so romantic. Lalo pa at naka-akbay sa kanya si Kevin.
Hapon ng yayain siya nitong mag-dinner sa labas. Gusto daw nitong ipakita sa kanya ang ganda ng lugar sa gabi. At nagpapasalamat siya sa ginawa nitong iyon. Looking down at the City from up there was a great view. Para sa kanya na umiibig, perfect ang lugar na iyon para sa kanilang dalawa.
Yumakap siya kay Kevin. Naramdaman niya ng gumanti ito ng yakap sa kanya. Pagdating nila sa mismong tower. Nagdinner sila sa doon at pumasyal sa mga facilities na naroon. At nag-enjoy siya lalo ng husto ng dumaan sila sa Teddy Bear Museum. Bago sila lumabas doon, binilhan siya nito ng isang teddy bear.
Muli niyang minasdan ang magandang lugar na iyon sa likod ng napakalaking salamin na bintana. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot. That was their last day in Seoul. Bukas ng umaga, naka-schedule na silang umuwi sa Pilipinas. Sa kabila ng saya, hindi niya maipaliwanag kung bakit pilit pa rin umaahon ang takot sa dibdib niya. Pumikit siya, at saka huminga ng malalim. Sinikap niyang alisin ang ano mang negatibong tumatakbo sa isip niya. Walang puwang iyon sa ngayon. Kailangan nilang sulitin ang pagkakataon na iyon sa piling ng isa't isa.
"Bakit malungkot ka?" pukaw sa kanya nito.
"Wala naman. I just feel sad, uuwi na kasi tayo bukas." Sagot niya.
"Ayaw mo ng umuwi sa Tanangco?"
"Gusto ko siyempre, pero, masyadong maganda dito sa Seoul para iwan ko. I already fell in love in this place. Dito, parang sarili natin ang mundo. Pero pagdating natin sa Pilipinas, babalik na tayo sa tunay nating mundo. Hindi na natin alam ang susunod na mangyayari. Hindi ko alam, pero natatakot ako." Pag-amin niya.
Natahimik ito. Muli ay kinulong siya nito sa mga bisig nito. "Wala kang dapat ikatakot. Nandito ako sa tabi mo, hindi kita iiwan. My life will never be the same without you." Bulong nito sa kanya.
"Same here," tugon ni Marisse.
BINABASA MO ANG
Car Wash Boys Series 5: Kevin Kyle Bandong
Romance"Nang malaman ko ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig. Pangalan mo agad ang binulong ng puso ko." Teaser: Fairytales. Iyan ang pangalan ng business ni Marisse. She's a Wedding Planner. And she loves Weddings. Gaya ng ibang babae, nangangarap din s...