[One Shots]

190 6 0
                                    

Minsan , Oo minsan hindi.. 

-

Almost 1 year na akong sinusuyo ni Rey. Almost 1 year na siyang nanliligaw saakin. Oo aaminin ko sa simula di ko talaga siya gusto, siya yung pinaka hate kong tao sa lugar namin. At hindi ako seryoso sakanya nung sinabi kong pwede siya saaking manligaw...

-

"Ella.." napalingon ako sa tumawag saakin.

Andito ako ngayon sa may tindahan nila Aling Tesa, bumibili ako ng Tinapay para sa bisita ni Ate , or should I say na manliligaw ni Ate. Gwapo ito at mukhang mayaman. Ang swerte talaga ng Ate sa Lovelife. 

"Bakit?" Mataray na tanong ko kay Rey. Si Rey ay yung Bagong Lipat sa Apartment nila Aling Tesa, Mag-isa lang ito. Nakakadiri siya lapitan kasi Mukhang mahirap ito. Hindi naman sa nagmamayabang eh may kaya naman ang pamilya namin, pero dito kami nagtya tyaga sa Squaters Area na ito. 

Gwapo naman itong si Rey, Sa totoo lang balat mayaman ito eh, Ang lakas ng dating pero nakita ko ito nakapaa lang at Jerey short at nakapalibot ang tuwalya sa kanyang ulo. 

"Kaninong sasakyan yung nasa tapat ng bahay niyo?" Tanong nito habang nakatitig sa Kotse na dala ni Kuya Vince na Manliligaw nga ni Ate. Napataas naman ang kilay ko. 

"Ano naman sayo? sa manliligaw yun ni Ate." pabalang nasabi dito

"Ito na po yung bayad ko Aling Tesa." pagkaabot ko ng bayad ay binigyan ko ng nakakairita na tingin si Rey bago naglakad ng Dahan dahan pabalik sa bahay pero di pa naman ako nakakalayo eh narinig ko ang usapan nila ni Aling Tesa.

"Aling Tesa, pautang naman ng Tinapay kahit isa lang, nagugutom naho kasi ako eh." 

Para namang kinurot yung puso ko sa narinig ko. Nangmakarating ako sa tapat ng Bahay eh bago pumasok ay sumulyap muna ako kay Rey. 

Nakita ko itong nakaupo sa upuan sa tabi ng tindahan at Kinakaen na parang bata yung Isang piraso na tinapay. Parang hindi ito pinakain ng ilang taon. 

"Huy! Ella, ano pa ginagawa mo jan, ay aba ihatid mo na yung tinapay sa Manliligaw ng Ate mo." saway saakin ni Mama at agad naman ako pumasok sa loob. 

"Kamusta naman yung kapatid mo Vince?" narinig ko na tanong ni Ate kay Kuya Vince pagpasok ko. 

"Wala paring balita sakanya eh, dapat kasi di nalang pumayag si Daddy na umuwi yun dito sa Pilipinas, ang ganda ng Lagay sa Canada eh, di naman din kasi namin alam na magrerebelde tsk." 

Napasimangot naman ako. walang kwentang anak yun pag ganun. 

Tuluyan na akong pumasok sa Sala at ngumiti sakanila.

"Oh, Bat ang tagal mo?" Mahinhin na tanong saakin ni Ate. 

"Wala po. Ang dami kasing bumibili kila Aling Tesa eh." 

Ngumiti naman ako ng nahihiya kay Kuya Vince. 

Kakaalis lang ni Kuya VInce nun nung nakaupo ako sa tapat ng bahay habang nakatitig sa mga langit. wala akong nakikitang bituin. Mukhang uulan mamaya kasi malamig nadin yung simoy ng hangin. 

"Mukhang malalim yung iniisip mo ha." 

Napatingin naman ako sa nag salita at bigla itong umupo sa tabi ko.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon