Why Perf Circle?

2.2K 20 4
                                    

"Julie Anne!"

Muntik na mabitawan ni Julie ang binabasang libro ng may sumalpak sa kanya ng isang bola ng enerhiyang nagngangalang Kathryn. Napangiti siya ng yakapin siya nito ng mahigpit bago umupo sa tabi niya doon sa cafeteria table.

"Kath, kakakita lang natin kanina, ang excited mo naman ata makita ako ngayon." Natatawang sabi ni Julie habang inaayos ang medyo nagulong glasses.

"Eh kasi, na survive natin ang finals, akalain mo iyon, last day na ngayon although last week pa talaga natapos ang finals at bumabalik balik pa tayo para sa ibang activities." Nakangiting sagot ni Kathryn habang tinitingnan ang iba pang estudyante sa loob ng caf ng Zenith Heights University. Pansinin man niya o hindi, kanina pa sila pinagtitingnan ng iba pang estudyante. Magsama ba naman sa iisang table ang dalawang kilalang performer ng ZHU Perf Circle.

"Congrats nga pala! Magna Cum Laude ka daw!" Ngiti ulit ni Kath habang mahinang hinampas ang braso ni Julie.

The latter laughed habang binabalik ang kopya niya ng South of the Border, West of the Sun ni Haruki Murakami.

"Thanks Kath, masaya ang feeling kapag pinaghirapan."

"Oo yun nga lang, talagang nakipagbr--"

"Kath please, ayoko pagusapan."

Kath sighed. Being naturally makulit, she couldn't help but add. "May nakakita daw sa inyo na magkasama sa farewell party last week."

"Kath..." May pagbabanta sa boses ni Julie.

Marahang umirap na lang si Kath sa kaibigan. "Okay fine..."

"Thank you." Julie sighed with relief. She was feeling really uncomfortable with the topic and would rather not talk about it.

Natahimik sila pareho habang parehong chinecheck ang mga telepono ng bigla naman may tumawag kay Julie at umalingawngaw sa caf ang ringtone niyang mash-up ng My Songs Know What You Did In The Dark at Girl on Fire ni Christina Grimmie and Mike Tompkins.

"Hello?"

"Julie!"

"O Joyce, ano iyon?"

"Asan ka?"

"Nasa caf...bakit?"

"Ah sige sige, deretso ka na lang ng Cave, nandoon si Sam, kakausapin daw tayo papunta pa lang ako ng school."

"Oh, alright sige, see you there, mag-GM na din ba ako?"

"Sure, thanks!"

CLICK

Tinago na ni Julie ang telepono at hinarap ang kaibigan para lang makita na nakaismid si Kathryn. Napatawa siya. "O, Kath, ang face, sayang ang beauty, smile ka na..."

"Ewan ko ba kasi kung bakit sumali pa yan si Joyce sa Perf Circle." Sabi ni Kath. "Ano ba ang ikinagaling niya?"

"Sayaw! Saka ayos din siya sa mga play ah." Pagdadahilan ni Julie. Natawa lang siya ng makita na nakaismid pa rin si Kath. "Ano ba bhe, smile ka na para ok naman yung makukuhang picture ng mga stalker mo..."

"Tse!"

Tumawa lang ulit si Julie at hinila patayo ang kaibigan. "Tara..."

"Ha? Bakit?" Tanong ni Kath habang hinihila siya ni Julie palayo.

"Punta tayo sa Cave nandoon daw si Sam, may iaanounce." Pagexplain ni Julie, ang isang braso naka-circle sa braso ni Kath at ang isang kamay naman ay busy sa pagtext sa mga kaibigan.

=o=o=o=o=o=o=o=

"Alam mo James, hot ka sana kung hindi mo masyado inaalagaan yang pagka-nerd mo."

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon