Worries

725 27 4
                                    

"DJ! Wag ka matutulog hinayupak ka. Kausapin mo lang ako." Mabagal lang ang lakad ni Elmo sa kagubatan. Kahit ba gusto niya bilisan ay hindi niya magagawa dahil pasan niya si Daniel at ayaw niya ito masyado pwersahin.

At ayaw din niya magingay dahil baka nandyan lang si Lawrence. Kung sino man yung lalaking yun may matinding problema sa pagiisip. Sino ba siya para pumatay ng tao?! At ito ngayon kaibigan niya sinugatan, malalim pa. Okay lang yung sa kanya, pasa lang naman makukuha niya doon sa suntok pero si Daniel nararamdaman na niya ang pagnginig nito sa likod niya dahil sa natamong sugat at lagnat.

"Dan gising kausapin mo ako. game ano na nangyari sa inyo ni Kath?" He asked quietly as he made his way through the jungle.

"H-hehe. Ayun, m-may first kiss na kami." Sagot naman ni Dan.

Alam naman ni Elmo na fighter itong kaibigan niya eh. Kakayanin mo toh Dan.

"Talaga? Nice one bro." Sabi ni Elmo. He fixed Dan's position on his shoulders and walked further. Sa totoo lang hindi na niya maalala yung daan pabalik sa camp. Masyado nagulo ang utak niya dahil sa nangyari.

"Moe..." Biglang bulong naman ni Dan.

"Bakit?"

"Kapag hindi ako umabot--"

"Sshhh. Hindi. Aabot ka okay? Aabot ka." Sabi ni Elmo. Ngayon binilisan na niya talaga ang paglalakad niya. DJ will not die. Not on his watch.

"Buti naman umamin ka na kay Kath." Biglang sabi naman ni Elmo. The goal was to make sure that DJ was still with him. Hindi niya hahayaan mawalan ito ng ulirat.

"Oo kung kailan naman ako umamin mangyayari ito. Baka tutol lang talaga ang tadhana para sa amin?" Sabi bigla ni DJ.

"Hindi." Reply naman ni Elmo. "And if ever nga tutol ang tadhana para sa inyo, edi kalabanin niyo si tadhana. Ganun din naman ginawa ko para kay Julie eh."

Mahinang natawa lang si Dan. "Sana ganyan din kami ni Kath." Nanahimik ito at naramdaman naman ni Elmo ang biglang pagslump nito sa kanyang balikat.

"Dan? Dan!!!"

===============

"Kuya ano ba nangyayari?" Tippy asked her brother in a frustrated tone. Hindi na nila alam kung ano nangyayari. This was supposed to be a fun trip for goodness sake!!

"Umupo muna kayo lahat. Hinahon lang." Sabi naman ni Christian.

"Paano kami hihinahon kuya?!" Galit na sabi ni Kath at napatayo causing Nadine to stop from cleaning the blood stains she had. "Nandoon pa rin si Daniel at Elmo ssa kagubatan! And they're in danger because of that madman chasing you around!"

"Ha?! Madman? Ano na ba nangyayari?" Joyce asked in a scared and panicked expression.

"Hon kalma ka lang din muna." Sabi naman ni Kris habang hinahawakan ang dalawang balikat ni Joyce.

"Guys, let's all calm down and let kuya Christian talk for a while okay?" Sabi ni Sam. Bilang kuya ng grupo ay talaga namang kaialngan macontrol niya ang kanyang mga kasamahan. Umupo siya sa tabi ni Tippy at hinintay na nila na magsalita si Christian.

Halatang hirap na hirap na ang lalaki pero natuloy nito ang pagkkwento sa nangyari nga sa kanya at kung bakit hinahabol sila ngayon.

"We're all in danger!" Iyak naman ni Joyce. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa nalaman. May isang mamatay tao na nandyan lang sa tabi tabi. Matibay ka kung hindi ka nanginginig sa takot.

"So ano, dito na lang tayo? Anong plano? Kaialngan natin umalis at bumalik sa mansion!" Sabi ni Nadine. "Mas safe doon eh."

"Hindi pa tayo pwede bumalik paano na lang sila Elmo?" Sabi naman ni Julie. Naiiayak na siya. Usually kaya naman niya magpakatatag eh. Pero ngayon hindi. The circunstances were not on their side. Buntis siya. Nasa kadiliman sila ng kagubatan. Nawawala ang ama ng dinadala niya. Oh.... at may mamamatay tao lang naman na naglulurk diyan sa tabi tabi.

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon