Lure

645 29 6
                                    

Lahat sana sila ay nakaupo ng maayos sa kwarto na iyon pero paikot ikot pa rin si Elmo.

"Moe, pwede ba umupo ka muna...nahihilo na ako eh." Turan ni Tippy.

Napalingon sa kanya si Elmo. "Pucha Tippy, wala ka ba talaga pakielam kay Julie? Alam ko na di kayo close pero..."

"Putang ina Elmo hindi naman yun eh!" Balik sigaw ni Tippy. "Patay na kuya ko Elmo! Pero iisip muna ako ng paraan para makaligtas tayo dito bago umiyak! Nandyan lang si Lawrence at si Sam at hindi natin alam kung kailan sila kikilos!"

"Manahimik nga kayong dalawa!" Si Nadine na ang napasigaw. Pumilit siya saglit para pakalmahina ng sarili bago harapin ulit ang mga kaibigan. "Sigaw tayo ng sigaw, kapag nahanap talaga tayo ni Lawrence patay na tayong lahat." Nanahimik ang lahat pagkatapos non at mabilis na tiningnan ulit ni Nadine si James na may benda na ngayon sa ulo. Improvised lang dahil pinunit lang ni Nadine ang bandang sleeves ng binata para gawin iyon.

"Paano ka nakatakas kay Lawrence?" Tanong ni Joyce kay James.

Umupo mula sa pagkakahiga sa kama si James bago nagsalaysay ng kwento.

"Argh!" Naramdaman ni James ang lagapak ng isang mabigat na bagay sa kanyang ulo. Tuluyan na siyang nahilo pero di pa siya nawawalan ng ulirat.

Ang lupa at damo ang nasa harap niya ngayon at papasada na ang nata niya pero nahagip niya ang karumal dumal na muhka ni Lawrence.

"Puta buhay ka pa?!" Sigaw ng lalaki nago hablutin pataas si James sa pamamagitan ng paghila sa buhok nito.

Umiigting ang panga ni James habang iniinda ang sakit na nararamdaman. Kailangan niya lumaban.

"Demonyo ka siguro ano? Ang hirap mo patayin eh!"

Pak!

Nakatikim ng isang malakas na suntok si James at halos mawalan siya ng hininga sa nangyari na iyon. Hinagis siya palayo ni Lawrence hanggang napahiga ulit siya sa damo.

He won't give up though. Kailangan niya lumaban. Inangat niya ang lanyang sarili at kahit na nahihilo hilo pa ay hinarap ulit si Lawrence. May dugo pa rin na tumutulo galing sa sigat niya sa ulo habang si Lawrence ay napangisi na lamang sa kanya.

"Ang tibay mo bata, bakit di ka pa mamatay!" Sabay sugod nang nakatutok ang itak.

Mabilis na umiwas si James at sa buong makakaya ay sinipa si Lawrence dahilan kaya napahiga na din ito sa lupa.

Nanlilisik ang mata ni tiningnan ng mamatay tao ang binata, halatan inis dahil naisahan siya.

"Argh!" Sigaw ni Lawrence pero nakaiwas muli si James at naka-isa pa ng suntok.

"Putang ina!" Lawrence yelled. Sinugod niya ulit si James. Pero dahil mas mabilis ito sa kanya ay nakatakbo na ito palayo.

Kahit sa pagk-kwento kang ay parang hingal na hingal na si James. He closed his eye before explaining.

"I wad able to hide behind a large tree and some bushes." He explained. Tapos dumeretso siya sa mansyon. Kaya I thought he would be here."

"Parang tayo lang naman ang tao dito." Sabi maman ni Kathryn. Sila sila lang naman talaga ang nasa loob ngayon ng kwarto ni kuya Christian.

"How'd..." Simula ni Tippy na humihikbi. Huminga muna siya ng malalim bago harapin muli si James. "How'd kuya die? W-where is he?"

Nalulungkot na tiningnan ni James ang babae. "I'm sorry Tips, he's still by the circuit breaker. May tama din siya sa ulo."

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon