Finale

356 23 14
                                    

AN: Ito na po ang last chapter.

Tigagal na nakatingin sila Julie sa nalaglag na van sa may dulo ng mismong cliff na iyon.

"Joyce!" Iyak ni Tippy.

Hindi na maipinta ang muhka ni Nadine habang nakatingin sa nangyari na pagkalaglag ng sasakyan.

Si James ay medyo hilo pa din sa mga pangyayari at nakakapit kay Nadine na tinutulungan pa rin siyang tumayo.

Bigla na lamang napatakbo si Tippy at mabilis naman itong pinigilan ni Julie kaya galit na napatingin ang nauna sa kanya.

"Julie ano ba!"

"Baka mapahamak ka pa!" Julie pointed out.

"This is not the time to be fighting!" Sigaw ni James sa kanila.

"Mauubos tayo dito." Tanging nasabi ni Tippy na para bang nababaliw na. "We need to check if she's alright!"

"B-but that fall--"

"Malay naman natin diba!" Sigaw pa ni Tippy. At bago pa may ibang makapagsalita ay mabilis itong pumunta sa gilid kung saan pwede bumaba.

Tamemeng napatayo si Nadine habang inaalalayan pa rin si James. Dahil hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. At bago din siya makapagdesisyon ay siyang galaw ni Julie pabalik sa mansyon.

"Jules! Where are you going?!" Nagpapanic na tanong ni James na medyo nagkakaroon na ng oxygen sa utak.

"Babalikan ko si Elmo!"

"Guys! Wag na tayo maghiwahiwalay!" Nadine called back. Pero wala na siya magawa dahil bigla na lamang tumakbo si Julie Anne.

=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=

Kung bugbog ang muhka ni Elmo, mas bugbog ang muhka ni Sam.

Elmo landed one last punch on Sam's face before taking his collar then pushing him against the side of the mansion.

"Pinatay mo mga kaibigan mo Sam! Para saan?! Para sa insecurities mo?!?"

Hingal na tiningnan ni Sam si Elmo. Hindi na nga niya mabuksan ang kanyang mga mata. Pero nakayanan pa din niyang ngumisi kay Elmo.

"Kayo ang may kasalanan ng lahat. Binibigay ko lang kung ano nararapat sa inyo." Humahagod ang hininga na sabi ni Sam.

Lalong nanlisik ang mata ni Elmo at humigpit pa ang hawak nito sa kwelyo ni Sam. Umaabot na ang higpit sa leeg ng dating kaibigan.

"Sige...patayin mo ako." Nakangisi na sabi ni Sam. "Madali lang naman siya Moe eh." Natatawa pa na sabi nito. "You just don't have the balls to do it. Kawawa naman anak mo. Walang tapang yung tatay niya."

Pak!

Isang malakas na suntok ang binigay ni Elmo kay Sam dahilan para mawalan ito ng malay at dumulas pahiga sa gilid ng dingding na iyon.

Elmo looked over the man passed out on the ground. His fists hurt and his face felt numb from all the punched he too received but didn't care anymore.

"Malalaman ng anak ko na hindi mamamatay tao ang tatay niya." Sabi ni Elmo. At siyempre ay hindi naman niya ineexpect na sumagot ito.

Mabilis siyang naglakad paalis. He wiped the blood on his knuckles and on his face as he ran to find his friends.

=•=•=•==•=•=•=•=•=•=•==•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Binibilisan ni Julie ang lakad at lumilinga linga pa sa paligid. Kaunti na lang talaga at sisikat na ang araw.

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon