Two Now

523 28 4
                                    

"Elmo magising ka!" Wala na tigil ang pag-iyak ni Julie habang ayun si Elmo at walang malay na nakaunan sa hita niya. "Elmo..." She cried yet again and hugged him close, kissing his lips.

"Mmm..."

"Gising pa siya!" Nadine uttered. Lumapit siya sa nakaluhod pa din na si Julie at pinakinggan si Elmo.

Ngumingiwi ito sa sakit which was actually a good sign dahil ibig sabihin noon ay may malay pa din ito.

"Elmo please Elmo buksan mo mata mo." Naiiyak na sabi ni Julie. Kamuntikan na eh. Akala niya mawawala na ito sa buhay niya.

"B-bakit inaantok ako?" Elmo was able to gasp out.

Frantic naman na napatingin sa kanya si Nadine bago chineck ang sugat niya sa gilid.

"Jut add pressure kailangan lang nawala ng bleeding then we can get him to safety. Inaantok lang siya sa pagod." Sabi naman ni Nadine.

"Moe, bro come on you can do this." Sabi ni James.

Kaagad naman tinulungan ni Julie at Nadine si Elmo habang kinarga ni James si Joyce na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

"Love, wake up please, kausapin mo ako." Sabi naman ni Julie habang hinahawakan ang kamay ni Elmo na inaalalayan nila.

"L-love..." Balik naman ni Elmo na hinahabol ang hininga. "Inaantok talaga ako eh."

"Elmo wag, wag ka matutulog." Kaagad na sabi ni Julie sa kanya. Hinigpitan nito ang paghawak ng kamay kay Elmo.

"Napapagod na ako Julie."

"Elmo naman!" Naiiyak na sabi ni Julie. "Wag ka susuko. Please. Kailangan ka namin. Kaming lahat dito. Pati na ng baby natin!"

Huminga ng malalim si Elmo at tiningnan ang babaeng minamahal bago mahinang tumango.

"Let's do this guys." Sabi naman ni James. Inayos niya ang pagkakasabak ni Joyce sa kanya bago halikan naman ni Julie ang kamay ni Elmo.

"Kailangan maka-balik na tayo sa mansyon guys." Sabi ni Nadine. "Kaya ko isara ang sugat niya. Kailangan lang muna natin ng mga supplies."

Mabilis na tumango si James at si Julie bago nagsimula na magtahak. Mag-gagabi na kasi at mahirap na kapag inabot na sila ng dilim. Sana lang talaga ay marating na ulit nila ang mansyon para naman magamot na nila si Elmo.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

"Hindi. Hindi...hindi!!!!"

Tahimik lang na tinitingnan ni Sam si Christian habang nakaluhod ito sa lupa at galit na sinusuntok ang maliliit na bato sa harap niya.

"Putang ina!!"

Wala na sila nagawa at tinuloy na ni Kris ang pagtalon. Wala na siya... Wala na si Kris...

Naikuyom ni Sam ang kamao hanggang sa namumuti na ang balat niya.

"Kuya, kailangan na po natin makabalik." Sabi naman niya kay Christian.

Huminga muna ng malalim si Christian bago binalik ang tingin kay Sam. "Ganun na lang Sam?! Namatay yung kaibigan mo! Tumalon siya sa bangin!" Sigaw ni Christian na para bang pinapaintindi kay Sam kung gaano kaseryoso ang sitwasyon.

"Bakit kuya may magagawa pa ba ako?" Sabi naman ni Sam na napapailing. "Kaibigan ko si Kris oo...pero wala na siya!" Saka naman ito napatingin sa malayo at napayuko. "Kailangan hanapin na lang natin ang katawan niya para mabalik..."

Naglakad na ito palayo habang si Christian ay nakatingin lamang.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon