Secrets

783 17 3
                                    

"Joyce, kamusta naman paa mo?" Nadine asked habang chinecheck ang paa ng kaibigan. Nandoon sila sa loob ng kwarto ni Julie at Joyce.

"Medyo kumikirot pa rin pero hindi kagaya ng kanina." Sagot ni Joyce kay Nadine. Disappointed siya dahil dapat yung araw na iyon sila magcacamping pero dahil sa injury niya, nagulo ang plano nila.

"Nadz, pasabi na lang sa iba na I'm so sorry... ang tanga tanga ko kasi tumakbo." She tried laughing it off but it only went as a sob. Naalala niya kasi yung dahilan bakit ba siya napatakbo.

Nadine slowly reached out and hugged her friend. "Joyce ano ba, wag mo isipin, sprain lang yan. Fight lang ha?"

Napangiti naman si Joyce sa kaibigan. Kahit kelan talaga ito ang nagpapasaya sa barkada nila.

"Thank you Nadine. Pahinga na lang muna ako ha..."

Dahan dahang tumayo naman si Nadine mula sa kama. "Okay, tawagin mo na lang kami if may kelangan ka... Better use your phone. Napakalaki kasi ng bahay na ito."

Sabay silang natawa doon at ngumiti lang naman si Nadine. bago umalis ng kwarto na iyon.

Muntik na siyang mapasigaw sa gulat ng makita niya si Kris na naghihintay sa labas ng kwarto.

"Kris!" She hissed. "Nakakagulat ka naman eh, pinapakaba mo ako..."

Hindi pinansin ni Kis ang sinabi ng kaibigan. Seryoso ang muhka niya hanang hinaharap si Nadine. "Nadz, kamusta siya? Okay lang ba pakiramdam niya?"

Nung una parang ayaw sumagot ni Nadine pero maya maya ay tumango. "Okay lang siya Kris. Pero kung ako sayo wag ka muna papasok sa loob. Let her rest, pagod pa siya sa lahat ng nangyari eh...."

With a defeated sigh Kris nodded his head. "Okay sige..."

Nauna na ang binata maglakad palayo. Medyo tulala pa itong bumaba ng hagdanan.

Nakaramdam naman ng awa si Nadine para sa kaibigan pero ano magagawa niya. Masyado magulo ang isip ni Joyce ngayon at makakadagdag lang sa pagod kapag hinarap pa siya ni Kris ngayon.

Sumunod naman siya kay Kris pababa ng hagdan kung saan ang iba pa nilang kasama ay nasa may terrace ng malaking bahay. Haay. Bukod ngavpala kay Joyce, may isang issue pa sila na dapat pagusapan.

Nakapalibot sila sa mga couch na nandoon sa veranda.

Si DJ ay nakaupo sa isang banda habang pinapatungan ng ice ni Kathryn ang namamagang muhka. Si James naman ay nakatayo at nakasandal sa may railings habang si Sam ay nakasandal sa isang dingding. Si Kris ay nakaupo din pero malayo kay DJ, mahirap na at baka may mangyari pa ulit. Si Julie at Tippy ay parehong nakaupo sa sofa habang si Elmo ay nakatayo sa tabi banda ni Julie.

Umupo naman si Nadine sa tabi ni Julie. She comfortingly held Julie's hand and smiled at her friend.

Julie turned said smile with a small one of her own. Ang gulo gulo na ng nangyayari sa kanila ngayon. Dapat sana bakasyon ito eh pero kung ano ano ang nangyayari.

"Totoo ba yung sinabi ni Tippy?" Tanong ni Kath habang hinahawakan pa rin yung ice bag sa pisngi ni DJ.

Julie and Elmo both looked at each other before nodding their heads.

"Kyaa ninang ako Japs ah!" Excited na sabi ni Nadine at yinakap nanaman si Julie.

Mahinang napangiti lamang ang huli habang nagsalita ang lalaking katabi niya.

"Tippy..." Elmo said firmly but Tippy wasn't one to back down, she stared Elmo down and raised a perfectly shaped eyebrow.

"What?"

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon