Advice

877 14 3
                                    

Marahang sinara ni Elmo ang pintuan pero ang muhka ay naguguluhan pa rin.

'Puta,paano naman nalaman ni kuya Christian iyon?'

"Love?"

Napaikot si Elmo sa tumawag sa kanya at nakitang nakatingin sa kanya si Julie habang nakaupo ito sa kama.

"Okay ka lang?" Julie asked, looking worried.

"Okay lang ako,love, ikaw ba nakapagpahinga na?" Sabi ni Elmo habang papalapit siya sa kasintahan at naupo sa tabi nito sa kama.

"Nakatulog naman na ako." Julie replied. Hinawakan niya ang kamay ni Elmo at nginitian ito. "Sure ka ba na okay ka lang? Parang may iniisip ka eh."

Kaagad naman na umiling si Elmo. Mabutj na siya ang ma-stress, wag lang si Julie. "Wala... Uh, iniisip ko lang yung kayla DJ, ang gulo gulo kasi ng sitwasyon nila."

"Oo nga eh." Julie sighed. "May something ba sa mansion na ito nila Tippy at nagkakaaminan ang lahat?"

"At least yung inamin mo sa akin magandang balita." Sabi naman ni Elmo. Yinakap niya palapit si Julie at hinalikan ang taas ng ulo nito. Nanatili sila sa ganoong posisyon at kuntento lang na magkayap ng magsalita naman ulit si Elmo.

"Love?"

"Hmm?"

"Uwi na lang kaya tayo? Baka kasi mapano ka dito eh."

Umikot naman si Julie para tingnan ang kanyang boyfriend. "Elmo..." She said slowly. "3 weeks pa lang si baby sa tummy ko saka wala naman mangyayari masama sa akin dito diba? Poprotektahan mo naman ako right?"

Elmo sighed at tumango na lamang. Ano nga naman ba magagawa niya. Kaunting araw na lang naman sila dito. Kaso naisip nanaman niya yung sinabi ni Kuya Christian kanina. Paano kaya nito nalaman? Hindi kasi siya mapalagay.

"Julie..."

"Hmmmm?" Julie asked.

"Nakita mo ba na nasa kwarto kanina si Kuya Christian nung inaanounce natin na pregnant ka?" Derederetso na tanong ni Elmo. Hindi na rin kasi niya matiis ang hindi itanong.

"Kuya Christian?" Julie asked in a weirded out tone. "Uhm, hindi ko pa nga siya nakikita ngayong araw na ito eh. Bakit mo natanong?"

"W-wala naman..."

"Elmo..." Julie muttered. "Ano ba, apat na taon ma kitang kilala, ano ba, may sinabi ba si kuya Christian sa yo?"

"He... Basta he said na alagaan kita sa kasi nga magkakababy na tayo..." He let his words float in the air.

Tumingin naman si Julie sa kanya. "Wala naman pala siya sinabi na masama eh... Nagbigay pa siya ng advice..."

"Yeah but..."

"Wag ka paranoid Love." Nakangiting sabi ni Julie bago haplusin ang muhka ni Elmo. "Nako kapag babae itong baby natin baka hanggang mag-30 hini mo ipagboyfriend ah..."

Hindi napigilan ni Elmo ang pagngiti. "Grabe love, sana nga girl tapos kamuhka mo para naman puro maganda ang makikita ko."

"Asus..." Tawa ni Julie. Pero kahit siya ay naiimagine iyon. A mini Julie or a mini Elmo running around a home that the two of them would build. She'd love a life like that.

"Ang cute siguro kapag boy no? Para may mini Elmo ako na aalagaan." Bigla naman niya nasabi.

"Aba, gwapo yun kapag kamuhka ko..."

"Haay mahangin talaga dito sa Tagaytay..."

"Ah ganon ah..." Elmo laughed before pulling Julie closer and giving her tender kisses here and there.

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon