Hide

481 29 7
                                    

Ayaw tumigil ang pagapatak ng luha ni Julie. Pero hindi siya magpapatalo. Hindi siya humihikbi, hindi niya ito ipapakita kay Sam. Kasalukuyang nakaupo siya sa lapag at nakatali ang dalawa niyang kamay sa likod. Hindi niya alam kung saan ito pero nasa loob lang din sila ng mansyon. Sa sobrang laki ba naman kasi ng lugar hindi talaga sila magkakakitaan.

"Sam bakit mo ba gingawa ito?!" Sigaw ni Julie sa lalaking kanina pa palinga linga sa paligid.

Marahas na tiningnan naman siya ni Sam mula sa pagkakadungaw nito sa pintuan.

Hindi ito ang Sam na kilala ni Julie. Ang lalaki na kasama niya sa kanilang munting samahan. Ang kuya kuyahan sa kanilang barkada. Anong nangyari?

"Sapat lang talaga na ganito ang mangyari." Sam rasped out. He crouched down to Julie's level, touching her face with a finger but she winced.

Ngumisi lang si Sam. Nakakatakot ang ngisi na iyon. "Bakit ba kasi nagpabuntis ka pa sa lalaki na iyon."

Kahit natatakot ay matigas na tiningnan ni Julie ang lalaki. "Dahil mahal ko siya. Bakit ba hindi mo maintindihan iyon?"

"Ako ang dapat na minamahal mo! Mas una kita nakilala! Una ka naging akin!"

"Kay Elmo lang ako! Hinding hindi ako magiging sayo!"

PAK!

Napasinghap si Julie sa lakas ng sampal na binigay sa kanya ni Sam. Naramdaman niya na nagdudugo na ang labi niya pero hindi jiya ipapakita na naiiyak siya. At dahil matalino siya ay nanatili na lang siyang nananahimik. Sira ulo na itong kaharap niya. Hindi siya mananalo kahit anong gawin niya.

=•=•=•=•=•=•=•=•=

Naalimpingatan si Nadine dahil na din sa lakas ng pagkidlat. Isang kandila lang ang nagbibigay liwanag sa sala kung saan lahat sila ay natutulog ngayon. Marahan niyang kinamot ang mata para naman makagising na siya ng maigi.

Napalinga siya at nakita sa tabi niya na tulog pa rin si Tippy habang si Joyce ang nasa kabilang couch. Napadako ang tingin niya kay Elmo na tulog din nang maanigan niyang may papalapit. Bumilis ang tibok ng puso niya at akmang hahawakan na niya ang hindi naman ginagamit na lampara nang mapansin niya na si Kathryn pala ito.

"Nadz?"

"Kath..." Napahinga ng malalim si Nadine. Akala niya kasi kung sino na. Masyado madilim ang paligid. Hindi mo alam kung sino na talaga ang nandyan.

"Nasaan ang iba?" Kathryn asked. Umupo siya sa tabi ni Nadine, nagsisiksikan sila sa one-seater na iyon. But it was alright. At least they were safe.

"Inaayos ata ni James saka ni Kuya ang circuit breaker." Sagot naman ni Nadine habang pareho na lamang sila napayakap sa isa't isa. Dito na nabuhos ni Kathryn ang kanyang iyak. Bagamat mahina lang.

"Bakit ganito Nadine." Hikbi niya. "Patay na si Dan...pati si Kris."

Dahil kailangan magpakatatag ay pinigil ni Nadine ang luha niya. Pero naiiyak na din siya dahil naalala niya na akala din nila ay wala na si James. Mahirap magpakatatag kapag nawawlan ka ng pag-asa.

"I'm sorry Kath." Nasabi na lang ni Nadine at yinakap pa ang kaibigan.

Nasa ganun pa rin sila na posisyon nang gumalaw si Elmo mula sa kabilang sofa.

Napadaing pa ito sa nararamdamang sakit sa tagiliran.

Humiwalay naman si Nadine kay Kath at lumapit kay Elmo para alalayan ito. Tumatayo kasi ito mula sa sofa.

"Moe kailangan mo muna umupo, baka bumuka yang sugat mo."

Pero hindi pinapansin ni Elmo ang dalaga. Luminga linga ito sa paligid at muhkang natataranta bago tiningnan ulit si Nadine. "Nadine...asan si Julie?"

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon