Limit

615 30 15
                                    

"Si Kath naman ngayon!? Ano na ba nangyayari sa atin?" Iyak ni Nadine habang nakaupo sa lupa. She was reaching her limit. This wasn't what they signed up for.

Yinayakap siya ni James at sinusbukan siyang patahanin. "Ssh, Nadz, we'll get out of this hell alright?"

Patuloy lang ang pag-iyak ni Nadine at yumakap na lang pabalik kay James.

Nasa kabilang side na sila ng ilog at hindi na nila alam pa kung ano ang nangyari kay Kath.

Tulala si Elmo na nakatingin sa kabilang side. Basang basa silang lahat dahil sa pagtawid nila sa tubig. Hindi na rin nila alam kung nasaan ang iba pa nilang gamit. Maalala pa ba nila iyon kung hinahabol sila ng isang sira-ulong mamatay tao?

"Love..." Julie called out from behind Elmo. She placed her hand on his shoulder.

Huminga lang ng malalim si Elmo at hinarap ang kasintahan. "Di ko naprotektahan si Kath."

Hinila naman siya ni Julie palapit at yinakap. Binaon ni Elmo ang muhka sa pagitan ng balikat at leeg ni Julie. Nahihirapan na din siya. Sinabi niya sa sarili na poprotektahan niya silang lahat pero hindi niya nagawa.

Lumayo naman siya saglit at mahigpit na hinawakan ang dalawang braso ni Julie. "Love, promise mo sa akin na you'll do everything to stay alive ha. I'll protect you but when worse comes to worst, save yourself okay?"

Nagningning sa luha ang mga mata ni Julie. "Ano ba Elmo! Wag ka nga magsalita ng ganyan!" At tuluyan na siyang napaiyak. "Sinasabi mo ba na hindi ka na lalaban? Iiwan mo ako? Paano na ang baby natin?!"

By this time ay napatingin na din si James at Nadine sa eksenang nangyayari sa mga kaibigan nila.

"Sssh, it's not like that love, I just want you to promise me na uunahin mo sarili mo...na iisipin mo maligtas ka kaagad. Para na rin sa baby natin." Pagpaliwanag naman ni Elmo at marahang hinawakan ang tiyan ni Julie. Naiiyak na din siya pero hindi siya magpapakita ngayon ng kahinaan. Hinila niya ulit palapit si Julie at nakayakap na hinalikan ang noo nito. "Promise me love..."

Kahit pa tumutlo na ang luha pababa ng pisngi ay marahang tumango si Julie. Mas hinigpitan pa niya ang yakap kay Elmo. Naniniwala siya na makakawala sila ng buhay.

Tumayo na si James at Nadine habang magkahawak kamay at lumapit kay Elmo at kay Julie.

"Guys, we should get going." James said.

Nagpunas si Nadine ng luha at tumango. "Please, balik na tayo sa mansyon..."

Kailangan na nila mahimasmasan lahat kaya naman nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Papatanghali na din ng tumigil muna sila saglit sa paglalakad. Tirik na tirik na kasi ang araw.

"May pagkain ba tayo dito?" Mahinang tanong ni Julie. Alam niyang wala sila masyado resources dahil naiwan din nila ang iba nilang gamit.

Kaagad naman naghanap si Elmo sa loob ng maliit na body bag na meron siya.

Isang bar ng tsokolate lang ang pagkain na nakita nila...tunaw na tunaw pa.

"Bakit parang ang layo layo ng mansyon?" Nadine sighed. Umupo siya sa tabi ni Julie na ngayon ay sinusubukan hatiin ang tunaw na tsokolate para sa kanilang apat.

"Tama ba daan?" James asked. Nagpunas siya ng pawis at tiningnan si Elmo. "Do you really know how to use a compass Moe? Paikot-ikot ata tayo eh."

"Alam mo bro sinusubukan ko naman lahat ng makakaya ko eh." Sabi ni Elmo nagpupunas din ng pawis.

"It's not good enough..."Lumapit si James kay Elmo.

Hindi naman nagpatalo ang huli. "O edi ikaw magsuggest!"

Perf CircleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon