May mag-asawang naghahanap ng pagkain sa gubat di kalayuan sa bahay nila.
"Mahal, may naligaw na tao doon oh!" sabi ng babae sa asawa nya.
"Halika puntahan natin!" sabi naman nung lalake.
Pagkalapit nila ay may nakita silang babae. Hindi lang isa, kundi dalawa. Dalawang babae na nakahandusay sa lupa. Halos hubo't hubad na ito kaya agad na tinakpan ng lalake ang dalawang babae. Hinubad nya ang damit at jacket na suot nya at sinuot sa dalawang babae.
Binuhat nila ito at inuwi sa kanilang bahay. Napag-alaman nilang may kakaiba sa dalawa dahil wala naman itong sugat ngunit hindi pa rin ito nagigising.
Lumipas ang isang buwan at sabay na nagising ang dalawang babae.
"Maaari ba naming malaman ang pangalan nyo?" sabi nung babae na Stella ang pangalan.
Umiling ang dalawang babae.
"Hindi ko alam." sagot nila.
"Tatapatin ko kayo, mga binibini. May malakas na mahika na nakapalibot sa inyo. Isang mahika na pinipigilan kayong magmahal." sabi naman nung lalake na si Light.
"It's okay. I don't need love." sabi ng isang babae.
"Me too. Love is a stupid thing." sabi naman nung isa.
"Hanggang hindi pa nawawala ang sumpa sa inyo, dumito muna kayo. Pwede bang tawagin na lang namin kayong Elina at Eliza?" sabi ni Stella.
"Okay." sagot naman ng dalawa.
"Mabuti. Ikaw si Elina Lee at ikaw naman si Eliza Lee. Sa ngayon, kami muna ang magulang nyo. At oo nga pala, eto si Ella at Lyre. Anak namin." sabi ni Stella.
"Okay, Mama Stella." sabi ni Elina.
"Yehey! May ate na kami!" sabi ni Ella.
"Ngumiti ka naman, Ate Eliza." sabi ni Lyre at ngumiti si Eliza.
"Maganda ka kapag nakangiti, Eliza." sabi ni Light.
"Salamat po, Papa Light." sabi naman ni Eliza.
Eliza's POV
Kasalukuyan kaming apat na nasa bayan. Umalis kasi sila Mama dahil may mahalaga daw silang pupuntahan kaya nandito kami. Actually sinamahan lang namin ni Elina sila Ella at Lyre dito.
"Ate Eliza, manonood lang kami doon ha?" sabi ni Ella kaya tumango ako. Kita naman namin sila eh.
Nandito kasi kami ni Elina sa puno. Mas maganda tumambay dito kesa makihalubilo sa mga tao eh.
"Iza, sasagutin mo ba si Yue kapag nanligaw sayo?" tanong ni Elina.
"Bakit? Sasagutin mo na ba si Yuo?" tanong ko sa kanya.
"I don't love him, Iza. Nararamdaman mo rin ba yun?" sabi nya.
"Ang alin?" tanong ko.
"Yun. Yung para bang may ibang kinikilala yung puso natin. Ibang tao. Pero sa tuwing iisipin yun, hindi ko na mahanap yung nararamdaman ko para sa kanya." sabi nya at napatingin ako sa malayo.
Nararamdaman ko yun pero dahil nga may sumpa kami, hindi ko na maramdaman yung pagmamahal.
"Ina, tingin ko kaya tayo sinumpa ay dahil nakasakit tayo noon." sabi ko sa kanya.
"Yeah. Or worst, yung mismong mahal natin ang nasaktan natin." sabi ni Elina.
Napabuntong hininga ako. Ang hirap naman kasi. Napatingin ako sa kinaroroonan nila Ella.
"Ina! Inaapi nung babae sila Ella!" sigaw ko at bumaba ako sa puno.
"Iza! Ang mask mo! Isuot mo muna." sabi ni Elina at sinuot ko ang mask ko saka kami lumapit kina Ella.
"Anong ginagawa mo sa kapatid namin?" sabi ko at tumakbo papalapit samin si Ella at Lyre.
"Sinira nila ang damit ko." sabi nung babae at tinitigan ko ito.
"Seeing her makes me hate and at the same time, love her. What the hell is this?" rinig kong bulong ni Elina sa gilid ko.
"Damit lang? Tapos iiyak ka na?" sabi ko dun sa babae.
"Ako? Iiyak? As if! At sino ka ba? At bakit kayo balot na balot? Kalaban ba kayo?!" sigaw nung babae samin.
"What a judgmental. Damit lang nasira sayo tapos magngangawa ka na? Ano? Papansin ka?" napangiti ako sa sinabi ni Elina.
"Who the hell are you? Hindi nyo ba ko kilala? I'm the Future Queen of Air Kingdom." mayabang na sabi nung babae.
"Sino?" sabi ni Elina.
"Duh! Malamang ako!" sigaw nung babae.
"Sino nagtanong? Ikaw? We don't need to know who you are, Miss Self-Proclaimed-Queen." sabi ni Elina.
"How dare you?!" sigaw nung babae at binato kami ng air spikes nya.
Agad akong gumawa ng earth shield para di kami matamaan.
"Wag masyadong mayabang, Miss SPQ." Sabi ko at tumingin sya ng masama samin.
"Sa susunod na makita ko kayo, hindi ko na kayo bubuhayin pa." sabi nya at bigla syang nawala.
"Ang galing ng mga ate namin!" sabi nung dalawa at inirapan ko sila.
Tinalikuran ko sila at naglakad palayo kaso may nabunggo akong lalake. Ang kaso nga lang, sya ang napaupo. Weak.
"You're strong, Miss." sabi nya at tumayo sya.
Di ko sya pinansin at naglakad na lang ulit. Rinig ko pa ang pagtawag sakin nila Elina.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!
***