Sana Ikaw Na

1.2K 14 0
                                    

Alam ko na marami pa tayong mga pagsubok sa buhay,
At sana ikaw ay makasama ko habang buhay.
Alam ko na kakasimula pa lang ng ating relasyon,
At sana patungo ito sa tamang direksiyon.
Yung bang ikaw lang at ako at wala ng makakapigil sa pagmamahalan natin.

Oo alam ko, alam ko na darating yung araw na ito ay guguho.
Pero mahal, sana hindi ka susuko.
Yung bang ipaglaban mo ako,
At hindi ka lalayo.

Sinasagot kita hindi dahil sa gwapo ka, cute ka, or joker ka.
Sinasagot kita dahil mahal kita.
Oo mahal kita kahit ilang araw pa yung lumipas simula nong umamin ka.
Oo ganun ako kadali magmahal,
Wala e hindi ko naman kayang sundin ang utak ko kung pinipilit naman ako ng puso ko na mahalin ka.

Tagalog Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon