Nakita kita sa malayo,
Ikaw ay naka upo.
Hindi ko alam kung sino ang iyong tinititigan,
Ang alam ko lang ay nakatingin ka ng matagalan.
Naramdaman ko na parang ako talaga ang iyong tinitingnan.
Kaya sinubukan kong ika'y aking pagmamasdan.
Iwan ko ba kung bakit?
Yung mga mata mo'y sobrang nakaka-akit.
Isang gabi na 'di ko inaasahan,
Na ako ay parang kinakabahan.
Nung tinatanong kita kung sino ang iyong nagugustuhan.
Nabigla ako at mukhang sasabog na parang bulkan,
Dahil nagkakagusto ka pala sa akin ng biglaan.
Kaya ka pala tingin ng tingin sa akin,
At nalaman ko na ang sagot nung ikaw ay umamin.
Kaya pala nong ako ay masayang-masaya,
Nakita ko rin ang iyong mga labi na tumatawa.
Hindi ko alam kung bakit ako interesado makipagkaibigan sayo.
Ang alam ko lang ay mabuti ka namang tao.
Kasi siguro mabait ka at marunong rumespeto,
Kaya ako ay pumapayag na makipag kaibigan sayo.
Sa mga panahon na gusto ko ng kausap,
Hindi na ako nahihirapan mag hanap.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
ПоэзияDinadaan nalang sa tula ang mga masasaya at mga hinanakit na alaala.