Ama

377 5 1
                                    

"Papa saan ka nag-punta?"
"Papa saan ka nangaling?"
"Papa ihatid mo naman ako."
"Papa pasyal tayo!"
Yan yung mga linya na gusto kong sabihin,
Sa aking ama na hindi ko kapiling.
Ilang oras, buwan at taon kong iniisip,
At hinihiling ko na sana ito ay isang panaginip.
Panaginip na hindi totoo,
Panaginip na pagbukas nang aking mga mata,
Pamilyang completo at hindi magulo ang aking aking nakikita.
Ilang tanong na ang hindi ko masagot.
Mga tanong na kayhirap sagutin.
Mga tanong na nakakasakit sa damdamin.
At mga tanong na dapat ko ng limutin.

Tagalog Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon