Unang-una nagpapasalamat ako dahil nakilala kita,
Lahat ng lungkot ay napapalitan ng saya simula nong dumating ka.
Mga taong dahilan ng aking kalungkutan ay kaya ko ng baliwalain dahil andiyan ka lagi para ako'y iyong pasayahin.
Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba, basta maka-usap lng kita okay na.
Halos araw-araw tayo nag-uusap ,
Minsan pa nga kapag hindi tayo nagkikita sinusuyo ko lagi ang "messenger" at baka sakaling nag message ka .
Dumating na tayo sa punto na pagmamahalan na ang nabuo at hanggang sa naging tayo at
Mas lalo pang tumatamis ang ating kwento .
Pero..Pero..Pero bakit nag bago?
Halos mabiak na ang ulo ko kakaisip bakit ginawa mo ang mga bagay na ayaw ko.
Bakit ayaw mo na makinig sa mga payo ko?
May mali ba akong nasabi? may mali ba akong nagawa?
Pero nalaman ko nalang na nakipag-usap ka sa EX mo at unting unting binabalikan sa kung anong meron kayo.
Bakit ? Bakit ?
Diba dapat kinakalimutan mo na siya at sa kung anong meron kayo dahil andito na ako .
Diba dapat iniiwasan mo na siya dahil wala ka ng dapat babalikan pa.
Nakalimutan mo na ba ako ? Ako yung bago mo , ako yung taong pinalit mo sa taong iniwan ka.
Natatandaan mo pa ba ako? Nandito ako hinihintay ang reply mo , umaasang papansinin mo ako at umaasang pupuntahan mo ako pero parang malabo ,
Dahil iba na yung kasama mo, iba na yung kapiling mo at wala ng iba kundi ang ex mo.
Sa lahat ng oras hinahanap kita
Sa lahat ng araw mukha mo gusto kong makita at sa lahat ng panahon gusto ko laging kapiling ka ngunit may mga sandaling nangangamba ang aking damdamin,may mga tanong na dapat iyong sagutin .Mahal ano ba ako sayo? Namimiss mo rin kaya ako? May halaga pa ba ako sayo?
Masakit sa damdamin na ikay wala na sa aking piling ngunit sa mga sandaling nakahimbing yakap at halik moy aking di matiis.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoesíaDinadaan nalang sa tula ang mga masasaya at mga hinanakit na alaala.