Nagdadalawang-isip akong sagutin ka,
Dahil binigo mo na ako noong una pa.
Ngunit sumugal ulit ako kahit hindi ako sigurado,
Dahil napatiwala mo ako sa iyong mga pinapangako.Pinipilit kong kumapit ng mahigpit,
Sa isang lubid na may bahid ng mga hinanakit at pait.
Iniintindi at pinapatawad ng paulit-ulit,
At sa ikalawang pagkakataon ay nabigo naman ulit.Ako na mismo ang pumutol sa mga
pinapangako mo,
Dahil ang lahat ng iyon ay hindi naman pala totoo.
Napakagaling mong mang-uto,
Pati nanay ko pinapaniwala mong hinding-hindi ka magloloko.Hindi man naging maganda ang pagwawakas ng ating kwento,
Masaya naman akong namulat ako sa pagiging bulag sa pag-ibig mo.
Pinakamahalaga pala ang maging malaya,
Dahil ang tunay na saya ay sa sarili mo lang
pala madarama.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PuisiDinadaan nalang sa tula ang mga masasaya at mga hinanakit na alaala.