Barkada

422 4 0
                                    

Alam natin na tayong lahat ay may mga kaibigan.
Imposible naman siguro kung wala diba?
Oo, masasabi natin yung iba ay wala silang nakakasamang kaibigan sa personal.
Ngunit sa panahon ngayon,
Hindi lang sa personal kundi pati na rin sa Internet.
Gaya ng twitter, instagram, facebook at iba pa.

Kapag may kailangan sila,
Doon lang nila tayo maalala.
Naalala ko noong mga panahon na binabaliwala lang nila kung ano ang aking nararamdama,
At hindi na nila alam o namalayan man lang na ako ay nasasaktan.
Tinuring ko sila na parang kapatid.
Pero hindi ko alam na kaibigan lang pala talaga ang tingin nila sa akin.
Patuloy akong umaasa na lagi silang nandiyan kapag ako naman ang may kailangan.
Pero bakit nga ba?
Bakit naiiba na ang trato nila?
Dahil nga ba na malayo na ako sakanila?
Sinubukang ibalik ang mga nakaraan,
Pero malabo na talagang ibalik ang mga masasayang pinagdaanan.
Wala na ang dating pinagsamahan.
Kinalimutan nang walang sapat na dahilan,
O baka naging hadlang sakanila ang distansya?
Kaya nabaling ang kanilang atensiyon at nakapagbuo ng bagong barkada.
Kaya heto ako ngayon nangangamba at umaasang maibabalik pa.
Akala ko ganun pa rin sila,
Kahit na malayo na ako sakanila.
Nagmumukha akong tanga,
Akala ko mahalaga ako sakanila,
Yun pala masaya na sila sa kanilang bagong barkada.

Tagalog Spoken Word Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon