May mga oras na 'di natin mapigilan,
Ang ating emosiyon na sobrang nasusugatan.
Mga salita na napakasakit,
Pinigilan ang luha at ito'y kumakapit.
Samantalang ang puso ay biglang humigpit,
Nang dahil sa sobrang sakit.
Gusto kong sabihin na "tama na",
"Tama na at sana'y hindi na ito maulit pa."
Mga salita na gusto mo sanang sabihin,
Pero naisip mo na 'wag nalang at itago nalang sa lihim.
Sana ako naman ang inyong pakinggan,
Na ang mga salita na iyong sinasabi sa akin ay nakakasakit at 'di ko na mapigilan.
Kinakaya kong pigilan ang luha sa aking mga mata,
Ngunit hindi ko na kayang magkunwari pa,
Ang sobrang sakit na.
Pwede ba itigil niyo na.
Tama na.
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryDinadaan nalang sa tula ang mga masasaya at mga hinanakit na alaala.