Hindi ko inaasahan na ito ay ang aking patutunguhan.
Hindi ko rin alam kung saan ko ito sinimulan,
At lalong-lalo hindi ko alam kung matigilbpa ba ito?
O may katapusan ba talaga ang pagmamahal mo?Oo aaminin ko,
Hindi talaga ako naniniwala sa sinabi mong "Gusto mo ako".
Para kasing malabo yung sinasabi mo.
At bakit ka naman magkakagusto sa isang tulad ko?Hindi naman kasi ako yung tipo ng mga babae na kasing ganda ng iba.
Hindi rin ako yung tipo ng mga babae na kumbaga 'ideal girl' ng iba.
Bakit ako?
O kaya siguro gusto ko lang ako saktan no?
BINABASA MO ANG
Tagalog Spoken Word Poetry
PoetryDinadaan nalang sa tula ang mga masasaya at mga hinanakit na alaala.