"Courage doesn't always roar. Sometimes courage is the little voice at the end of the day that says I'll try again tomorrow."
– Mary Anne Radmacher~~~~~
Tok Tok Tok! Nariririnig kong mahinang katok sa pintuan. Napaangat ako ng tingin papunta sa pintuan. Nasa office ako at minamadaling tapusin ang message ko para sa kanya. She's been ignoring my messages lately. Well i guess masama ang loob niya sa akin. Isa akong hinahangaang tao sa buong Pilipinas at sa ibang bansa. Kinatatakutan at kinamumuhian din. Well, ayoko sa lahat ang taong tatanga tanga. At ayoko din yung pumapasok ng late kahit isang minuto pa yan hindi pwede sa akin. I want everything on time and perfect!!!Kanina pa ako pindot ng pindot sa phone ko na kunting kunti na lang malapit ko na itong mabalibag. I just want to remind ame and reputation. Nakakahiya sa mga tao lalong lalo na sa mga clients ko na mataas ang binibigay na respeto sa akin.
Fuck this life! Ugh! I cleared up my mind and put away my phone. I'll just finish later na lang.
Tok Tok Tok!
"What is it!?"tanong ko na bakas sa mukha ko ang pagkainis then bumukas ng bahagya ang pintuan saka sumilip ang secretary ko. Si Kate.
"M-Maam?"ang tanging nasabi niya at halatang kinakabahan ito. Umayos ako ng pagkakaupo pati reading glass ko inayos ko din. Isipin niyo na lang ang mga lola niyo na kapag suot ang kanilang eye glasses halos nasa ilong na nila ito. Ganun nga ang pagkakasuot ko. Anyway, balik sa kwento.
"Okay, come in."pumasok naman siya at dahan dahan sinara ang pintuan. Yes I don't want people slamming the door or the cupboards. It's so irritating.
"Ma'am, Mr Smith is on the line. He's been asking about your property somewhere in Tagaytay."
"Alright. Just tell him I'll call him back after my meeting with the board."
"Okay po maam."
Nakita kong paalis na sana ang secretary ko ng may maalala ako.
"Ahh... Kate?"
"Yes po maam?"
"Totoo ba na maysakit ang tatay mo?" Tanong ko at nakita kong nag aalangan siya sa pagsagot sa akin. Yes I admit, kinatatakutan ako ng lahat sa aking kompanya. Wala akong sinasanto at inuurungan.
"Opo maam."
"Kamusta na siya?"tanong ko at umayos ng pagkakaupo.
"Sa awa ng diyos maam medyo umokay ang pakiramdam ni tatay. Kaya nga po as much as possible ayoko mag absent kasi kailangang kailangan ko ng pera para pambayad sa hospital at pambili ng kanyang gamot."kwento niya sa akin. Nahabag naman ako sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na madalas ko siya mapagalitan lalo na kapag may mali sa kanyang ginagawa. Perfectionist akong tao. Ayoko ng mga pipitsuging gawain. Gusto ko dekalidad ang trabahong ibibigay sa akin.
"Ganun ba?"
"Yes po."
"Mabuti naman at magaling na ang tatay mo. Ayoko din na palagi ka na lang mag absent sa trabaho mo. Una, mawawalan ka ng trabaho at pangalawa, anong sasahurin mo kung palagi kang wala? I didn't hire an employee just to come to work whenever she's available. It was stated in her resume the days she'll be working and her off days, tama ba?"
Napalunok ng ilang beses ang secretary ko. I can see fear in her eyes.
"A-Ayoko pong mawalan ng trabaho ma'am kaya nga po kahit na hiniling ni tatay na magpahinga muna ako kahit isang araw lang hindi ko siya pinakinggan. Wala din naman kaming maaasahan kung mawalan ako ng trabaho. Kaya andito po ako."
BINABASA MO ANG
Kaylupit Ng Tadhana(Completed)
General FictionHow a woman finds joy after a life changing revelations.. Eloisa Del Prado Story