iii

400 14 0
                                    



After a month, wala na akong balita pa kay John. All his friends naging tikom ang mga bibig. Sa loob din ng isang buwan inilabas ko ang lahat lahat ng luhang hindi ko nailabas ng mawala si bunso sa amin. Pero sa kanya, nagbuhos ang lahat ng luhang meron ako. Lahat lahat. Sobra akong nasaktan dahil umasa akong mahal din niya ako. Araw gabi ang pag iyak ko ng dahil sa kanya.

Naging malinaw na sa akin ang lahat. Niloko niya ako. Pinaglaruan niya ang puso ko. Naging kami pala dahil lamang sa oustahan nila ng mga kabarkada niya. Gusto kong magwala, gusto kong magalit. Gusto ko siyang sampal sampalin ng paulit ulit para maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko Pero Kahit Anong gawin ko hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit sa taong pinaglaruan lamang ako.

Mahal na mahal ko si John, yung klase ng pagmamahal na kaya kung talikuran magibg ang pamilya ko alang alang sa kanya. Ganun ko siya kamahal at ganun siya kahalaga sa akin. John is my everything. Kapag nawala siya, I don't know what to do. I can't go on with my life without him by my side.

Every day para akong lutang na naglalakad sa hallway ng campus. Still hoping na makita ko si John one day Pero wala talaga. I was greeted by my friends but it seems like they're just a wind. I can feel them but I can't see any of them. Pumapasok ako sa school na wala sa sarili kong pag iisip. Taking exams na hindi nakapag review.

Naging simula yun para e isolate ko sarili ko. Lagi ako nagkukulong sa kwarto. Ayoko makipag usap. Sakto naman kasi na arm break namin. Dapat nga umuwi ako sa province pero Wala akong gana. Kaya nilayo ko sarili ko sa mga tao. Naisip ko din ang magpakamatay. Umiiyak akong nakatitig sa bote ng gamot na nakita ko sa loob ng kwarto. Sleeping pills na pag mamay ari ni Grace. Kinuha ko yun at ininom ang hindi mabilang na sleeping tablet. Akala ko nung magising ako nasa langit na ako. Well, dinala ako sa hospital. Sakto naman daw na may pumasok na mag ayos ng faucet at nakita nila akong nakahandusay sa sahig kaya dinala ako sa hospital. Pinatingnan ako sa psychiatrists and nag undergo ako ng mga meetings with her. So far nakaka tulong naman.

Hindi ko na inulit pa Yung kitilin ang buhay ko. Lumipas ang mga araw, Nakaligtaan ko na ang mga regular kong gawain. Nagtataka tuloy sina tatay at nanay dahil hindi na daw ako madalas tumawag. Dahilan ko madami akong Gawain sa school. They don't know what I've been through habang nasa Manila ako para mag aral. Sabi ko naman kasi I'm doing well sa school at gagraduate ako.

Nakatanggap ako ng telegrama Ilang buwan ang makalipas. Kailangan ko daw umuwi sa amin. That time nakaka ngiti na ako and slowly nakaka limot sa sakit na dinulot ni John sa akin. Saktong bakasyon na namin kaya umuwi ako ng province. Nag roro ako para tipid sa pamasahe.

Pagdating sa amin, sinalubong ako ng isang masamang balita.

"Eloisa, meron kaming sasabihin sayo."si nanay. Si Tatay at Maricel tahimik lamang sa isang sulok. Kinakabahan man pero kailangan kong kumalma.

"Sige nay ano po yun?"

Humugot si nanay nang lakas at sinabi ang problema.

"Buntis ang kapatid mo."

Parang sirang plakang nagpaulit ulit sa pag play ang sinabi ni nanay sa isipan ko. Ang dami kong tanong na bakit? Anong nangyari? Hanggang sa maalala ko ang nangyari sa akin. Nakahinga ako ng maluwag. They say kapag buntis may mga cravings but me, nothing. So hindi kami nakabuo. That's good. Nilayasan din naman ako ng ama niya kung saka sakali.

"Anak?"

"Hmm.."

"Sabi ko buntis si Maricel."ulit ni nanay. Lumingon ako kay Maricel.

"Sino ang ama?"

"Si Toto. Toto Rafael Tobol."

"What?! Toto!? Yung lalaking tambay at driver ng tricycle?! Anong ibubuhay niya sayo at sa magiging anak niyo!?

Kaylupit Ng Tadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon