vi

300 13 10
                                    

Present Time

..................

"Ma'am, dediretso po ba tayo sa hotel?"tanong ng driver ko. Hindi ko namalayan na nasa highway na kami papunta sa aming destination.

"Dadaan muna tayo sa sementeryo.."wika ko na hindi nakatingin sa kanya. Then muli kong tiningnan ang phone ko and may messages ako mula kay Misha.

"Mom, please don't forget your meds. Call me if you need anything,alright?"

Napangiti ako sa message niya. Yes it was my daughter Misha. Kagaya ng napag usapan namin tinanggap ko silang muli and I welcomed them sa bahay ko. Balak pa sana nilang bumukod pero sabi ko, sino pa ang titira sa bahay namin kung aalis din sila.

After nilang bumalik sa bahay, pinabalik ko siya sa pag aaral para tapusin niya ito. Sa tulong din ni Sophia kaya napa oo ko si Misha. Medyo mana sa akin ang anak ko na matigas ang ulo. But then napalambot ko ang puso niya kaya ayun back to school ang anak ko.

Ganun din si Sophia, pinabalik ko din siya sa pag aaral. Dalawa sila pinapunta ko sa america para mag aral. Nag enroll sa business si Sophia while Misha sa design kasama ng anak ni Maricel na si Benj. He is gay. Gaya ng pangako ko sa mga anak ni Maricel kinuha ko sila. Pinag aral ko sila pareho. Si Benjamin nasa New York na at meron na siyang boutique doon. Sila ng cousin niya ang nagmamanage nun. Ang panganay ni Maricel medyo naging kaugali ng nanay niya kasi. Bumalik siya dito sa bansa dahil gusto kong siya ang magmanage ng mga resorts namin sa Bacolod. Pero she wanted to be in Cebu and I sent her there.

Kanina ko pa siya pinapadalhan ng message dahil siya ang pinapunta ko sa isang ka meeting ko dahil meron akong aasikasuhin dito sa Bacolod. Yes, I'm here for business at the same time dadalawin kong muli ang puntod ng pamilya ko. Unfortunately I can't reach her. Minsan napagsasabihan ko siya dahil sa hindi niya pagsunod sa mga pinapagawa ko. She wanted to have her own business that more on online selling. I kept on saying no to her. But my daughter Misha told me na hayaan ko na lang yung pinsan niya sa kanyang plano. Kaya minsan hinahayaan ko na lang. Nakitaan ko din ng potential sa pagnenegosyo si Sophia kaya napag isip isip kong kausapin silang dalawa pagbalik nila dito sa bansa. Kanino ko naman iiwan itong mga naipundar ko?

Yung ibat ibang branch ng buffet resto namin, ang mag asawa na ang namamahala. I'm so lucky for having them. Kitang kita ko kung saan napupunta ang mga kinita namin every month. Kaya wala akong reklamo sa naging takbo ng resto namin since namamanage sila nina Grace at Raj.

si Kuya naman ang nagpatuloy sa negosyo na iniwan ni Maricel. Natutuwa ako na sa haba ng panahon na pakikipagsapalaran ni Kuya natagpuan na niya ang kanyang kaligayahan. Nag focus na siya sa kanyang mga anak. Yes MGA ANAK. Hinanap niya ang mga ito at pinakilala sa isat isa. I'm glad, na pumayag naman ang mga ina nila na makilala ang kanilang ama at mga kapatid. Ngayon masaya na sila sa kanilang mga buhay.Nagbibigay si kuya ng support sa mga ito at paminsan minsan dinadalaw nila ang kanilang Papa at kapatid sa Bacolod since parehong nasa Manila nakatira ang dalawang anak ni Kuya na parehong babae at magkaiba ang kanilang mga ina.

Nahuli na din ang mga pumatay sa pamilya ko at ang mastermind, si Toto. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa amin yun lalo na kina tatay at nanay. Sa ex wife niya lalo na sa kanyang mga anak. Kaya niyang pumatay para lamang makuha niya ang kanyang gusto. Dahil sa pagkalulong niya sa kanyang mga bisyo,nagawa niyang gumawa ng mga maling gawain. Doon pala sa lugar na pinagpugaran niya matapos niyang iwanan ang kanyang pamilya, naging trabaho niya ang mangholdap, magnakaw at kung ano ano pa matustusan lamang ang kanyang pangangailangan hanggang sa naging mainit na siya sa mga kapulisan kaya naman naisip niyang bumalik sa Bacolod kung saan nakita niya ang biglaang pag asenso ng dati niyang asawa sa tulong ko na rin. Gusto niyang makipagbalikan at tinanggap naman siya ni Maricel ngunit napag alamang ninanakaw niya ang kanilang kinita sa tindahan kaya nagalit ang kapatid ko sa kanya kaya ito napalayas. Bilang ganti, nag utos ito ng mga tao upang siyang gumawa ng karumal dumal sa pamilya namin. Naalala ko pa ang binalita noon sa tv habang iniinterbyu siya.

Kaylupit Ng Tadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon