'It's only when we truly know and understand that we have a limited time on earth – and that we have no way of knowing when our time is up – that we will begin to live each day to the fullest, as if it was the only one we had.'
~~~~~
I didnt waste my time, I hurriedly went to the parking lot and asked my driver to take me to the airport. Nagulat ang staff ko sa nakita nilang hitsura ko na namumugto ang mga mata. Sa edad kong ito, inaamin ko na iyakin ako. Mukha akong tigasin pero kapag pinapanood mo na ako ng mga drama, kailangan mong maghanda ng sangkatutak na tissue pampunas sa uhog ko at luha. kailangan mo ding dumistansya sa akin kapag nanood ng mga nakakatawa dahil baka malasog lasog ang katawan mo sa kakahampas ko lalo na kung nakaka tawa talaga ang pinapanood ko. Wala akong pakialam kahit nasa loob ako ng sinehan. Alangan namang iiyak ako eh comedy nga di to ba?Hindi ko na sila kinausap pa maliban syempre sa secretary ko na siyang pinag iwanan ko ng mga gagawin niya sa office. Tinawagan ko na din ang ilang board and lahat sila nalungkot sa aking binalita. Isa na doon si Veron na nakakausap niya minsan ang anak ko. Napaiyak din siya ng malaman niya ang nangyari kay Misha.
Kating kati na ang mga paa ko na makarating ng amerika. I really want to see her so badly and give her a lot of comfort. When we got to the airport, lakad takbo ako papunta sa pilahan. I talked to someone and lucky, I got a chance passenger.
Then I took my phone out of my bag and dialed Grace phone number.Naupo muna ako sa isang lugar na medyo malayo sa crowd at pilit na pinapakalma ang sarili ko.
"Grace..."(sniffing)
"Oh besh maysakit ka ba? Inuman mo agad ng gamot yan. Tska, inantay ka namin ni mahal kasi diba sabi mo dito ka mag lunch. May meeting ka ba ngayon? Uy, teka bakit parang maingay yata besh asan ka ba?"
"Grace.....si Misha.."
"Ha anong si Misha? Anong nangyari sa batang yun? Nag away na naman ba kayo?"
"Hindi ano...ahm...(sob)she is sick besh."(sniffing)
"Oh no. May flu ba siya? Malamig kasi yata doon eh."sambit niya. I cleared my throat kasi feeling ko may bumabara sa lalamunan ko. Then I told her Misha's illness.
"Hindi besh. Yung malalang sakit. Ahm, May cancer si Misha."
"Ano?! Hoy Eloisa Del Prado! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!"(impit na iyak ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Alam ko pilit niya itong pinipigilan) "K-Kahit ikaw ang nanay niya para ko na ring anak ang batang un."hindi lang ako kumikibo sa mga sinasabi niya. Dahil ang totoo kanina ko pa sumigaw at humagulgol dahil sa matinding kalungkutan. "Sa dami ng pwedeng banggitin na sakit bakit yun pa ang binanggit mo? Alam mo bang traidor na sakit yan?"
"Alam ko Grace, alam ko." sagot ko na humihikbi.
"Eh bakit ka magbibiro ng ganun sa anak mo? Masamang biro Yun Eloisa! Pwede ba bawiin mo yung sinabi mo!"She's crying now dahil sa namamaos niyang boses.
"Sana kaya kong bawiin besh. Sana kaya kung akuin ang sakit niya. Handa kong tanggapin yun ng maluwag sa aking kalooban.."
"So h-hindi ka nagbibiro?"
"Huhuhu...H-hindi Grace huhuhu..."dito na bumuhos ang mga luha ko na pati boses ko garalgal na rin.
"Putang ina naman! Bakit si Misha pa!!? Besh ang daming mga masasamang tao sa mundo bakit hindi na lang sila? Ang bata bata pa niya para maranasan ang ganung sakit huhuhu!"
"Ewan ko Grace.. Kaya nandito ako sa airport. Kailangan ko siyang makita...huhuhu. Nakakapanghina Grace. Kung pwede ko lang kausapin ang diyos, gusto kong makiusap sa kanya na wag naman ang anak ko. Kinuha niya na sa akin ang apat na mahal ko sa buhay, ngayon gusto niya na naman isunod ang kaisa isa kong anak."humihikbi kong sabi. Pinagtitinginan na ako ng ilang mga nandito at wala akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Kaylupit Ng Tadhana(Completed)
General FictionHow a woman finds joy after a life changing revelations.. Eloisa Del Prado Story