Hindi ko sinabi ang totoo tungkol sa pagkatao ni Misha. At salamat naman at hindi na niya ako kinulit pa tungkol sa bagay na iyon. Wala na din akong alam tungkol sa kanya. Yes, siya ang ama ni Misha. Dahil pinagbasehan ko ang buwan na pinanganak si Misha sa panahon na may mangyari sa amin ni John at Toto. At ang result, si John ang ama saka kitang kita naman sa mukha niya eh.Habang nasa Pilipinas ako, tuloy ang pakikipag contact ko sa mga kaibigan ko sa ibang bansa and now isa na sila sa mga investors ko sa mga business ko. Kaya ito naging isa akong magaling na negosyante sa bansa at maging sa abroad. Siguro nga sabihin na natin na nung umulan ng grasya ako ang nakasalo.
I bought another properties sa Bicol, Cebu, Antipolo, Davao and Boracay. I met people who can work with me na mapagkatiwalaan ko din. I assigned a certain individual to run my company even if I'm not around and I wasn't wrong for hiring them and appointed them. They helped me make millions of pesos including dollars the reason that I can afford to purchased a house sa lugar kung saan nakatira ang ating pambansang kamao at pamilya niya. Yun ang agad na inaaikaso namin ni Grace pagbalik ko mula sa ibang bansa para meron kaming matirhan pagka nasa Pilipinas ako mamalagi.
Ilang linggo pa lang ako dito, kaliwat kanan na ang tinatrabaho ko. ayoko magsayang ng oras at panahon. Every second counts. Kumbaga time is gold. Ayokong tumigil not right now. Lalo na ngayong inienjoy ko na ang buhay kong ito. Umasenso ang buhay ko na parang magic. Kung noon isang kahig isang tuka kami ngayon pwede na ako humilata sa salapi pero ewan ko bakit parang hindi pa rin ako kuntento sa buhay na meron ako.
Ang anak ko na si Misha kumpleto na ang para sa education niya kaya hindi ako nagkaron ng problema sa pagpapaaral ko sa kanya. Simula elementary hanggang sa mag kolehiyo it was already funded. Gusto ko kasing makapagtapos siya sa kilalang eskwelahan.
Pinadala ko siya sa ibang bansa para mag aral. She showed me her interest sa fashion kahit bata pa Lang siya and I supported her all the way. Gusto ko doon na siya magsimula ng mga pangarap niya kaya naghanap ako ng mga university na best para sa kanya. I Did my own research and when I heard about Pennsylvania University and their curriculums, naisip ko ang anak ko. Kaya naisip ko na doon na siya mag aral hanggang sa koleyiho.
As her mother akala ko naibigay ko na ang lahat dahil money is not a problem yun pala kailangan niya din ang atensyon ko na madalas hindi ko naibibigay sa kanya. Inaamin ko wala akong oras. I traveled from states to states para makipag meeting sa mga taong kailangan lang naman nila sa akin ay ang pera ko at kaalaman ko pagdating sa negosyo. Kaya nakaligtaan ko na May anak pa pala ako.
Madalas hindi na kami nagkikita sa bahay dahil madalas siya mag sleep over sa mga friends niya. Since kilala ko naman ang mga ito kampante akong she's in good hands which I was very wrong.
"Maam, napansin niyo po ba Yung mga sugat sa kamay ni Misha?"
"Sugat? Anong sugat?" Tanong ko na hindi inaalis ang mga mata sa papel na hawak ko. It's my health record.
"Yung sa may wrist niya po."
"Hmm, sigurado na scratch niya na naman yan. You knew Misha lagi na Lang sila ng mga barkada niya nagpupunta sa kung saang lugar para mag camping." Sagot ko naman. Natahimik muli ang nanny saka iniwan ako. Hindi lang iyon ang nabanggit ng nanny na hinire ko. Madami pang iba na pinagsawalang Bahala ko. I thought her only concern is to be free from us.
Sa edad na 18, napasali si Misha sa isang grupong illegal ang mga pinaggagawa. Vandalizing, bullying, used of drugs, maglasing, tumambay sa mga tambayan ng mga adik. Sila ang Mga batang hindi nagabayan ng mga magulang nila at isa na ako sa mga magulang na iyon na naging pabaya sa aking tungkulin.
Naging abala ako sa pagpapadami ng pera dahil ayokong bumalik sa buhay na meron ako noon. Akala ko yun ang kailangan niya. Nakaligtaan ko na mas kailangan pala ni Misha yung gabay ko. I paid a lot of money for the nanny. She's pinay pero yun lang, mas sumusunod pa siya sa anak ko. I paid thousand of dollars for her to watch my daughter pero nagulat na lamang ako ng may tumawag sa akin mula sa university na pinapasukan niya.
BINABASA MO ANG
Kaylupit Ng Tadhana(Completed)
General FictionHow a woman finds joy after a life changing revelations.. Eloisa Del Prado Story