"It is no fun to fail, but you must pick yourself you and get back in the race. The only way you can grow is to challenge yourself beyond your present circumstances."Les Brown
Challenge—~~~~~~
Nasa high school na ako. Patapos ng elementarya si Maricel. Si Kuya Ronel, lumuwas ng Manila dahil may kumukuha sa kanya na kakilala namin at tutulungan daw siyang makapasok ng trabaho. Pumayag naman sina Itay at Inay. Mapilit kasi si kuya. Gusto daw niya magtrabaho at mag aral. Pwede naman daw siya mag night class.Nung una, okay naman ang naging buhay ni Kuya sa Manila. Nagpapadala na din siya sa amin kahit panggamot man lang ni Tatay. Ilang taon na din ang lumipas matapos mawala sa amin si Ricky.
Si tatay sa tubuhan pa rin nagtatrabaho. Si nanay kung mag magpapalaba, katulong niya kami ni Maricel para hindi naman mahirapan si nanay. Minsan nagluluto si nanay tapos ibebenta namin ni Maricel sa may kanto kung saan may mga tumatambay para mag inuman.
"Manang Marlyn pwede po ba kami maglagay ng paninda namin dito sa tabi ng tindahan niyo?"
"Oo naman. Teka ano bang niluto ni Nanay mo na ulam ngayon?"
"Dinuguan po eh."
"Uy dinuguan.."wika ni Mang dodong at umorder agad ng isang bowl. Umorder din si Manang Marlyn. Nang paubos na, may nagsidatingan na mga manginginom. Umorder sila sa amin ng dinuguan pero hindi pa sila nakapag bayad. Isa sa kanilang kainuman kilala lamang sa tawag na alyas Toto. Siguro kaedaran ko lang siya. O kaya ka age niya si Kuya. Mga 19 or 20 ganun. Panay ang tingin niya sa amin ni Maricel. Hindi ko na lang pinapansin. Pahapon na. Ang ibang umorder ng ulam ano pa ba ang bago. Lista daw muna. Kaya wala akong magawa kundi ang ilista ang mga may utang.
Hinintay pa namin na magbayad ang mga nag iinuman. Sabi daw kasi mamaya na. Nakailang mamaya na nga sila eh.
"Ate, mauna na kaya ako. Dalhin ko na lang ang ibang gamit para mamaya kunti na lang ang dadalhin mo."
"Oh sige Cel, eh mukhang walang balak magbayad ang mga ito eh."pabulong kong sabi kay Maricel.
"Naku ate. Kaya nga uuwi na lang ako dahil kanina pa ako nanggigil sa mga yan. Lalo na ang isa diyan kung makatitig akala mo ngayon lang nakakita ng babae."sagot niya sa akin na mahina lamang ang boses. Niligpit na niya ang mga iuwi niyang gamit. Ako naman nagpaiwan muna baka sakaling may makaalala pa na magbayad. Lumipas pa ang kalahating oras, matyaga akong naghihintay sa mga nag iinuman. Kailangan ko kasi talagang singilin ang mga iyon dahil kailangan namin ang pera para ibili ng mga lulutuin para meron na naman kaming ipagbenta kinabukasan. Lasing na ang lahat ng mga oras na iyon. Nasa bahay ang atensyon ko kaya hindi ko sila masyadong pinapansin. Nababanas na din ako sa lalaking kanina pa sulyap ng sulyap sa akin. Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito at makauwi.
Narinig ko silang parang may pinagdidiskusyunan. Akala ko nagbibiruan lang sila. Nagkaron ng pagtatalo sa grupo ng mga nag iinuman.
"Ghago kha phala e!. Phhikon!"
"Ikhhaw hang phikon! Thotoo naman thalaga na hindi kha pha nathuthuli..! Shupottt!!"
"Ghago kha, ikhaw mhay phutokk!"
"Pre tama na yan.. Tama na yang mga biruan niyo."
"Hindi pre, ghago yang shupot na yan.."
"Ghago phala ha.."
Tumayo si alyas pato at umupo ulit. Hindi pa rin tumitigil sa kakangawa si Mang Gaspar hanggang sa naglabas ng kutsilyo si alyas Pato at basta na lang sinaksak ang kabiruan niyang si Mang Gaspar. Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari. Ang kasama nilang lasing nawala ang kalasingan. Ako naging tuod sa kinauupuan. Natulala ako dahil kitang kita ko kung paano tinusok ni Alyas Pato ng mahabang kutsilyo si Mang Gaspar.
BINABASA MO ANG
Kaylupit Ng Tadhana(Completed)
Fiksi UmumHow a woman finds joy after a life changing revelations.. Eloisa Del Prado Story