iv

367 12 0
                                    




Pagkatapos mawala sa akin ng scholarship ko tumigil ako sa pag aaral. Nagpursige akong magtrabaho habang maliit pa ang tiyan ko. Yes buntis ako. At ang tanging may alam ay si Grace. Hinanap ko siya sa mga kakilala niya dito sa may project 8. Mabuti na lang naalala ko pa yung sinabi niya na lugar sa akin nung magkaklase pa kami. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko and tinulungan niya naman ako. Since may naipon akong maliit mula sa allowance at part time ko sa school kaya yun ang naging puhunan ko para magsimula ulit.

May maliit akong kwartong inuupahan. Kakilala ni Grace ang may ari nun. Minsan inuutang ko muna ang pambayad. Madami akong late fees Pero sinisigurado ko na mabayaran ko siya. Naglalaba ako sa mga kapitbahay, mag tutor, gumawa ng mga thesis at binabayaran nila ako. Kaya ang pera na galing dun pang grocery ko. Bili ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko.. Isang ulam at binibenta sa mga kapitbahay. Kapag naubos na mamimili ako para sa lulutuin ko para the next day. Yung ibang ulam naman para hindi maumay ang mga suki ko. Then kapag may enough pa ako para sa isang ulam dinadagdagan ko ng another ulam hanggang sa pinalaki ko na ang pwesto ko to accommodate my neighbors para doon na kumain. Nagulat si Grace ng mapalaki ko ang pwesto ko at dahil palaki na ng pakai ang tyan ko kaya nagdecide siya na tumulong sa akin.

"Wow best friend, galing mo talaga biruin mo nagkaron ka na nito. Imagine sa umpiasa isang table lang at isang upuan. Tapos nagdagdag ka ng table at another upuan ngayon may ilang table ka na oh. Galing mo talaga dumiskarte besh. Tsaka dahil dito nagkaron din ako ng extra kita lam mo na may binubuhay na ako. Tsaka Libre pa ang ulam namin."natatawa niyang turan sa akin.

"Grace, kailangan eh. Kung hindi ako didiskarte sa buhay san ako pupulutin? Kami ng anak ko? Ito oh lalabas na kasi siya soon. Kaya kailangan doble kayod. At salamat din sayo Grace ha dahil sa tulong mo nakapag simula ako ng bagong buhay."

"Naku Besh wala yan. Uy kapag yumaman ka na wag mo ako kalimutan ha. Hindi ka lang talaga magaling sa klase pati sa paghahanap ng pera galing mo din."

"Baliw ka talaga. At saka anupa't nag aral ako at hindi ko din naman pala gagamitin yung mga nalaman ko sa school. Hanggat may buhay may pag asa. Siguro may mga hinihiling tayo sa diyos na minsan akala natin eh hindi niya binibigay pero para sa akin, nadidinig niya yun at tinutulungan tayo sa ibang paraan na alam niya na matuto tayong gamitin natin ang mga utak natin at sabayan na rin natin ng sipag at tyaga."esplika ko. "Oh ganito kapag ako yumaman, ikaw ang unang unang makakaalam."

Tama nga si Grace. Dahil sa maliit na kainan, nakapag ipon ako. At ang ibang naipon ko ginamit ko upang pagaralin ang sarili ko. Balak ko kasi After ko manganak tatapusin ko ang pag aaral ko. Sayang isang taon na lang yun. Kaya todo kayod ako habang di pa lumalabas Si baby. Wala naman akong binili na gamit ng Baby dahil meron namang galing kay Grace.

"Uy Eloisa, baka mapano ka diyan ha. Naku mag ingat ka sa pagkikilos mo." nakita niya akong todo hiwa sa mga gagamitin namin sa pagluluto.

"Hay naku Grace,ang sabi sa akin eh mabuti din naman daw yung nagkikilos ako no para daw hindi ako mahirapan umiri. Kasi baka malaki pala ang baby ko."

"Hmm, mukhang malaki nga siya besh. Nag enjoy yata sa mga pinagluluto mo eh."

"Sira ka talaga hehehe. Pero ewan ko. Kain kasi ako ng kain kaya tingnan mo ang katawan ko oh parang penguin."

"Besh, hayaan mo paglabas ng baby mo, mag yoga tayo."

"Hahahaha! Sira ka!" tawa ko sa kanya.

Hanggang sa maisilang ko ang batang babae. Ang ganda ganda niya. Nakuha niya ang liit ng mukha ko. Haba ng pilikmata at nipis ng bibig nakuha niya sa kanya. Carbon copy siya ng tatay niya. Si Grace at Raj ang tumutulong sa akin. Inalalayan nila ako since bawal sa akin ang magkikilos. Sa bahay lang kasi ako nanganak para iwas gastos sa hospital. Aba saan sulok ng mundo ko hahagilapin ang halagang yun kung saka sakali? Ilang buwan ang lumipas after ko manganak, nagdecide akong balikan ang pag aaral ko na hindi natapos. Mahirap pero kinakaya ko naman.

Kaylupit Ng Tadhana(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon