After ng pakikipag usap namin sa doctor at binigay na mga options, sinimulan ang chemo therapy ni Misha kasabay ng proseso sa IVF para kay Sophia. Lingid sa kaalaman ni Misha minabuti ni Sophia na dalhin sa sinapupunan niya ang nasabing similya na pina freeze niya noon for future use. Nakakuha din kami ng donor, isang Irish guy at nag match naman silang dalawa.Ininform ko na din ang kuya ko kaya nalungkot din sila sa mga pangyayari. Hindi din sila makapaniwala na magkaron ng ganung sakit si Misha at hindi namin ito agad nalaman. Marahil itinago niya ang kanyang karamdaman para hindi na siya maging pabigat sa amin. Sumunod sa akin si Grace para may makatulong sa akin sa pag aalaga kay Misha dahil kailangan din ni Sophia ng tulong.
Dumating ang mga magulang ni Sophia kaya naman medyo gumaan ang pakiramdam namin. I told them about the plans and they all agreed. Nagtulong tulong kami sa lahat ng mga gawain sa bahay, hospital at sa gagawin naming mga plano.
Ang parents ni Sophia ang kasa-kasama niya sa pagpunta sa hospital. Ako naman ang naiiwan at sumasama kay Misha. Si Grace ang siyang nagluluto at dinadala sa hospital para pagsaluhan naming lahat.
Malaki naman ang bahay na na bili ko noon kaya kasya naman kami. Alam mo naman tayong mga pinoy, kahit saan at anong posisyon kung gusto matulog may paraan yan.
Bawat araw na nagdaan, nakikita ko na ang unti unting pagbabago sa katawan ni Misha. Nangangayat na ito at namumutla. Nagsimula na ding malagas ang kanyang buhok kaya naglalagay ito ng takip sa ulo in short nakakalbo na po siya dahil sa ginagawa niyang chemo para lamang madugtungan pa ang buhay niya. I was staring at her while laying on her bed and may pinapanood sa tv. Ako naman andito sa may sulok at pinagmamasdan siya. Ang ganda ganda pa rin ng anak ko kahit na mayroon siyang dinaramdam. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.Ayokong makita niya ako. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko at sandaling nagpaalam muna sa anak ko.
"Nak, lalabas lang muna si mommy. Bibili lang ako ng soda sa may vending machine diyan sa labas. Okay ka lang ba na maiwan ko sandali?"
Napalingon siya sa akin at ngumiti sabay tango niya sa akin.
"Okay lang ako mommy. Make it two mom. Sophia and I will just share it pagdating niya."
"Sure Nak. Sandali lang ha.."
Tumango siya ulit. Ako naman nagmamadaling lumabas. Ang totoo, pinipigilan ko lang talaga ang umiyaka sa harapan niya.
I got up and walked towards the door. I tried to think of something just to make my brain busy at the same time kanina ko pa pinipigilan ito. Kaya pagdating sa may labas, napayuko na lamanga ko at lumuluha habang nakaupo sa isang bakanteng upuan na di kalayuan sa silid ni Misha. Naiisip ko na Parang gusto ko nang sumuko sa buhay. Sobrang tindi naman nitong pinagdadaanan ko. Hindi ko alam kung may galit sa akin ang diyos.
BINABASA MO ANG
Kaylupit Ng Tadhana(Completed)
General FictionHow a woman finds joy after a life changing revelations.. Eloisa Del Prado Story