Naaalala ko noong highschool palang ako, NBSB ako. Never been touched! Walang palya, walang mintis.
Ni hindi nga ako naniniwala sa tinatawag na love eh. Ang pananaw ko doon ay sakit ng ulo lamang. Sasaktan at sasaktan ka rin naman ng taong mamahalin mo. Hay!
Pero hindi ko aakalain na pag tungtong ko ng college, may isang pangyayari ang makakapagpabago ng pananaw ko dito...
Scholar lang ako sa isang pribadong unibersidad na pinapasukan ko at araw araw akong sumasakay ng bus papunta doon.
30 to 45 mins lang naman ang byahe pero kung minamalas at nagtraffic, mahina ang 1 oras para makarating doon.
Pangdalawahang tao ang inuupuan ko sa favorite bus ko araw araw. Suki na nga ako dito eh! Kilala na ako ng driver at konduktor.
At sa favorite spot ko ako laging umuupo.
Syempre iba't ibang tao din ang nakakatabi ko at hindi ko naman sila kilala pero minsan may nakatabi akong isang lalaki.
Ang bango niya! At napansin kong nakasuot din siya ng uniform ng school ko. Hmmm, so ibig sabihin doon din sya nagaaral? Hindi ko kasi siya napapansin eh.
Napatingin nalang ako sa kanya habang kinakalikot niya yung bag nya.
Katamtaman lang ang kulay niya tapos ang tangos ng ilong! Pakiramdam ko din ang gaganda ng mga mata niya kahit hindi ko pa ito nakikita ng harapan. Naka-brush up naman yung buhok niya na parang naka-wax tapos may suot siyang g-shock na relo sa left wrist niya. Ay teka, ano ba 'to? Bakit ko siya dinedescribe?
"Matunaw ako nyan."
T-teka anong sabi niya? Nabingi ata ako doon. Alam niya kayang kanina ko pa sya tinitignan? Pakiramdam kong namumula ata ako. Wag naman sana. Nakakahiya!
Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa bintana. Wag ka na magsalita please!
"Nathan Vasquez"
Is he introducing himself?
Hinarap ko siya and tama nga ako. He's offering his right hand.
Syempre ano pa ba? Edi tinanggap ko yung kamay niya! Ang lambot ng kamay niya ha.
"George Santos," nagpakilala din ako sa kanya and I smiled, the pa-chicks one.
And he smiled back!!! Ang charming ng smile niya! Ang puti ng mga ngipin niya at pantay pantay.
Mukhang mabait naman ang isang to ah?
"George?"
"Hmm?"
"Hahaha, nothing it's just that ang unique ng name mo."
"Thanks. Actually, panglalaki nga ang pangalan ko eh. All girls kasi kaming magkakapatid and trip siguro ng parents namin ang boy names. Hahaha."
"Ang cool. Hahaha."
Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ko nakapalagayan ng loob itong si Nathan.
Siguro dahil mabait sya. Hindi kasi sya katulad ng ibang lalaki na mayabang at pa-cool.
Itong si Nathan iba. May pangarap sa buhay at mabait sa pamilya. Kitang kita ko din yung pagsisikap na ginagawa niya para makapagtapos sya ng pagaaral nya.
Simula noong araw na makilala ko sya, doon na lagi sya umuupo sa may tabi ko. Naging magkaibigan kami.
Sabi nya, ireserve ko daw lagi ang upuan na yun para sa kanya.
Noong una, ayaw kong pumayag pero nakumbinsi din ako. Ang sarap nya kasi katabi. Marami siyang kwento, hindi nauubusan!
Minsan nga habang bumabyahe ang bus na sinasakyan namin napagkwentuhan namin ang lovelife ng isa't isa.
BINABASA MO ANG
Sa Byahe ng Bus (ONE SHOT)
RomantizmMinsan, sa buhay natin may mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Yung mga pangyayaring bigla nalang magpapabago ng takbo ng buhay natin.