Bridgewood Academy : School for Vampires
Author's Note
This is a work of fiction. Names, Characters, and Places in this story are only product from the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, and events is purely coincidental.
Copyright © 2014 by boohskiibear
All rights reserved
_______________________________________
Bridgewood Academy
Isang malaking pala isipan sa akin kung bakit ako ililipat sa paaralan na yon samantalang nasa kalagitnaan na ako ng school year na pinapasukan ko doon sa Saint Augustine Academy.
"Oh apo, handa na ba ang lahat ng gamit mo?" tanong sa akin ng pinaka cool at gwapo kong lolo, kung tutuusin hindi ko siya mukang lolo kasi ang bata pa ng itsura niya eh
Kung pag tatabihin nga kami ay muka lang kaming mag kuya, kung wala lang yung bigote at balbas niya, kinis kasi ng mukha eh
"Eh lolo bakit ba kailangan ko pang lumipat doon? September na kaya" nakabusangot kong sabi sa kanya
Paano ba naman kasi nung isang linggo niya palang nasabi sa akin yung paglipat ko sa Bridgewood Academy, yun pala all settled na ang lahat, mula sa mga forms ko sa dati kong school ako na lang pala ang inaantay ng Bridgewood Academy
"Hindi na kasi kaya ng dati mong School ang pagiging pilya mo" natatawang sagot sa akin ni lolo Augustus
Aminado naman ako na isa ako sa mga makukulit na studyante doon noon eh, me and my bitchy friends.
Pero duh! Bakit di na lang niya ako ilipat doon pag tapos ng sem break, hindi yung bigla biglaan lang -______-
"Lolo nice naman ako ah" nakangiti ko pang sabi sa kanya
"Hay nako apo hindi na magbabago ang desisyon ko, lilipat ka sa Bridgewood Academy sa ayaw at sa gusto mo" mahabang paliwanag niya pagkatapos ay iniwan niya na ako sa kwarto ko.
Ngayon kasi ang araw ng paglipat ko at naka dorm ang mga studyante doon, ang sabi pa ni lolo tuwing, christmas vacation at summer vacation lang daw ako makakalabas doon, ang boring nun =________= di uso sa kanila ang sem break
Inayos ko lang lahat ng gamit ko, mula sa maliliit hanggang sa malalaki kong gamit.
Narinig kong may kumatok sa kwarto ko at agad naman na bumungad si lolo, nakow mukang kailangan ko ng bilisan sa pagkilos.
Pinag masdan ko ulit ang mansyon kung saan ako tumira ng halos 15 na taon, huhu sa dorm pa ata ako mag cecelebrate ng sweet 16 ko ah.
Babye munting mansyon at tuluyan na akong pumasok sa kotse, ihahatid daw ako ni lolo, ang sweet naman (note the sarcasm here)
"Mag papakabait ka doon" paalala sa akin ni lolo
"Okay"
"Wag kang mang aaway ng mga studyante doon"
"Okay" tapos nag roll eyes ako
"Sigurado akong magugustuhan mo ang bagong eskwelahan mo" sabi niya "At tsaka doon ka nababagay sa Academy na yon" dagdag niya pa
Lumipas ang mahigit dalawang oras bago kami nakarating sa Bridgewood Academy, namangha ako sa sobrang laki ng gate nito at ganda nang pagkaka disenyo, sa tingin ko sobrang laki nito sa loob.
Pansin ko din kanina habang nasa kotse kami ay isang syudad lang ang pinaka malapit na lugar dito, siguro mga 30 minutes ang byahe mula dito hanggang doon.
Mapuno din ang lugar nato, yung tulad sa ano twilight yung parang pine tree siya pero matataas nga lang, i find this place pretty.
May kinausap lang sandali si lolo pag katapos ay pinapasok na kami ng gwardya doon, at pag pasok na pag pasok namin ay halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki at ganda ng Academy nato, literal na nanlaki ang mga mata ko.
"Lolo ilang studyante ang mga nag aaral dito?" manghang tanong ko sa kanya
"Mga nasang dalawang libo mahigit" nakangiti niya pang sagot
O_______O dalawabg libo mahigit? Eh sa Saint Augustine Academy nga wala pang isang libo eh nadadamihan na ako eh, what if dito pa kaya?
Nawindang ang katawang lupa ko.
"Mr. Augustus Dawson?" isang babae ang pumukaw ng atensyon ko, hmm ang ganda niya at abg puti puti niya pa, parang wakang dugo.
Lumayo sila ng kaunti sa akin, napatingin pa nga sa akin yung babae kaya medyo napa kunot yung noo ko.
"Lexia Serenity Dawson?" tawag sa akin ng isang mahinhin na boses, agad ko namang tinignan yon at nakita ko ang isang maputi at magandang babae na nakasuot pa ng uniform, class hours pa pala, at infairness ang ganda ng uniform ah bet na bet ko
"Thank you" nakangiti niya pang sabi sa akin na ikinalito ko
"Ah hehe i mean thank you for choosing our Schoool, i'm Sofia Hilson the Student Council Secretary welcome to Bridgewood Academy" naka ngiti niyang sabi
"Okay" tipid kong sagot sa kanya pag katapos ay nilibot ko ulit ng tingin ang buong Academy
"Apo mauuna na ako" biglang sulpot ni lolo
"Okay" naka ngiti kong sagot sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi "Ingat lo"
"Ms. Hilson please take care for my Apo" pormal na sabi niya doon sa Sofia
"Yes Mr. Augustus Dawson" sagot naman ni Sofia, pagakatapos nun ay umalis na siya, huhu mamimiss ko ng bonggang bongga ang lolo ko
"Uhm Lexia ako ang mag aasist sayo sa magiging dorm room mo" nakangiti niya pang sagot
Binigyan ko siya ng are you serious look sabay tingin sa apat na maleta ko na mukang na gets naman niya.
Tumingin siya sa likod ko at sinundan ko naman ng tingin yon, at nakita ko ang limang lalaki ng ubod ng gwapo, megad nakakalaglag panty.
Lumapit naman yung apat samantalang yung isa ay nakatayo lang at matiim na nakatingin sa akin gulp ang creepy lang ha, kahit na siya pa ang pinaka gwapo sa kanilang lima.
"So this is Darwin Blake our student council vice president" pagpapakilaka sa akin ni Sofia sa isang gwapong lalaki din, pansin ko lang ang puputi nila "This is Franz Reed, Tyler Carstairs and Nate Martin, our student council Staffs" pakilala niya sa akin doon sa tatlo pa "And him, he is our Student council president, Eliothe Bridgewood" turo naman niya doon sa guy na hindi lumapit sa amin
Bridgewood? So mean siya ang anak ng Academy nito
"Yup he is the son of the owner of this Academy" sabi ni Sofia, ano ba yan parang mind reader lang.
"So kami na mag hahatid at magdadala ng mga gamit mo" sabi nung Darwin, pagkatapos ay umalis na kami.
Tinignan ko ulit yung kinaka pwestuhan nung Eliothe pero wala na siya doon kaya umalis na kami.
Pero sigurado ako sa nakita ko, nahagip ng mga mata ko na andun na siya sa fifth floor ng isang building at naka tingin sa bintana, muli kong tinignan yung building na yon, pero wala na siya doon.
Bridgewood Academy, ano bang klaseng eskwelahan ito?