Nine.

129 4 29
                                    

"Ano po ba ang okasyon?"

"Kasi matagal-tagal ka ng hindi nakakadalaw dito."

"Nay naman e, halos one week palang or less." sweet talaga nila. HIHI.

"Ganun ba? Tsaka nandito sila." nagkakamot sa ulo na sagot ni Nay Fifi.

"Sila? Sin-" anong ginagawa nila dito? End of the world na ba?

Bakit ngayon pa?

"O, Marge! Halika na, kain na tayo!" sigaw ni Betina pero may kahalong inis sa mukha niya.

Hindi naman sa ayaw kong nandito ang bespren ko pero-

"Anak, dun ka na sa tapat ni Jenny."

NAGTATAKA BA KAYO KUNG ANO ANG NANGYAYARI?

Ako rin e.

"N-Nay, a-ano ho ba ang meron?" nauutal kong tanong. 'Magpakatatag' ang salitang pilit kong isinasaisip.

"May sasabihin daw si Blane e." opo, tama kayo. Andito si Blane.

Pati ang girlfriend niyang si Jenny.

"O, anak, kanin o." sinandukan ako ng kanin ni Nay Jeje, pero hindi ako sa plato nakatingin, kundi sa kamay na magkahawak sa harap ko.

Kamay ng mahal ko at ang kamay ng mahal niya.

Hahaha, saya no? Parang tinutusok ang mata ko pero hindi ito ang nasasaktan.

Kundi ang puso ko.

"Eto pa anak, dinuguan. Paborito mo." sabay sandok ni Nay Lulu at ipinatong sa kanin ko.

"Anak, may calamares rin." at nilagyan ako sa plato ng limang piraso ni Nay Vivi.

"Tapos anak, Iced tea." abot ng iced tea ni Nay Fifi.

Ang sarap ng nakahain sa harap ko. 'Diba dapat masaya ako? Favorite ko 'tong mga 'to e.

Pero pa'no ako magiging masaya kung ang nasa harap ng pagkaing gusto ko ay ang taong mahal ko? At kasama pa ang mahal niya.

"Kain na anak. O Betina, Blane, Jenny, kain na." at sinimulan na nilang kumain. Ay, kasama pala ako.

Pilit kong nilulunok ang pagkain pero parang may pumipigil. This, this large invisible lump on my throat.

"Anak, ang hina mo naman atang kumain." puna sa akin ni Tay Junjun.

"A, ku-kumain na h-ho kasi ako kani-na nung l-lessons ko." I tried not to stutter. I swear I tried, but eventually, I failed.

"Ganun ba? Naku, 'wag mong pilitin ang tiyan mo anak, baka magsuka ka niyan." ngumiti lang ako. Alam kong nagkandapawis-pawis ang mga Nanay ko sa pagluto nito kaya kakain ako.

"Kakain pa ho ako." pabulong kong sagot.

"Osiya sige. Sige lang, kumain muna tayo." at kumain na kami ulit. Pinipilit kong bilisan at halos magkandakuba-kuba na sa posisyon ko ngayon.

Halos isubsob ko na ang mukha ko sa pagkain ko, maiwasan lang ang mga taong nasa harap ko.

"Blane anak, ano ba ang sasabihin mo sa amin?" narining kong tumigil ang pagkain ni Blane at ramdam kong pilit siyang umupo ng maayos.

Oo nga Blane, ano ba ang sasabihin mo? At kasama mo pa 'yang girlfriend mo.

'Nay, kaya ko po dinala dito si Jenny para ipamukha ko kay Margaret na hindi ko siya mahal. Para masaktan siya ng bongga, para iiyak na naman siya.'

'Maganda naman pala ang sasabihin mo anak e! Dapat pala sa Jollibee tayo kumain!'

'Isama natin si Margaret ng masaktan pa siya lalo.'

Under the same spotlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon