Thirteen.

87 4 10
                                    

Well, sinong nagbasa ng Chappy twelve? Nabasa niyo ba ang aking pagkakamali?

Waley na po, tinaggal ko na. HUWAG NG BALIKAN MGA KABABAYAN! LIMITED OFFER HAS ENDED, harhar :3

Baygonway highway, I dedicate this chappy to @alwayssweet. Thank you phowszx sa comment and message. Alabyu!

Enjoy reading folks.

--

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE?" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Masama na bang pumunta dito? And we need to talk."

"Not now......"

"Not here."

"Umalis ka na dito, Blane." Opo, siya po! Bwisit na lalaki, kitang nagmumove on ako dito e!

"You don't want to make a scene, right? Miss rising star?"

NANLAKI ANG MGA MATA KO. Alangan namang isa lang 'diba? Jeje lang?

"Ugh!" kinuha ko ang susi ko at pinihit na sa pinto ko.

"Habit mong manggulo no?" as you can see, napakarude ko. ANO NAMAN, SUMAN?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.... Bakit ka nandun? Paano na lang kung malaman ito ng mga magulang mo? Tiyak lagot ka sa kanila."

"Hindi na rin ako magpapaligoy-ligoy pa Blane.... Wala kang pakialam."

"Sagutin mo na lang!" bulyaw niya sa akin.

"Eto na! Nandun ako kasi tinanggap ko ang offer nila sa'kin nung nasa America pa ako! Ano masaya ka na ba? Masaya ka na ba? Kung masaya ka na, umalis ka na! Ayan ka na naman! Umaastang isang napakabait na taong walang ginawa kundi magtuwid ng mali!" kung may dadaan sa tapat ng unit ko, maririnig talaga 'yun, bedroom ko lang ang sound-proof e.

"Bakit Blane? Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" bulong ko. Just enough for him to hear.

"Dahil.... ma-...."

"Dahil?"

"Naging parte ka ng buhay ko, Hey. At ayokong may nangyayari sa'yong hindi mo ikabubuti."

"Sa tingin mo ba, nung hindi mo ako tinanggap, ikinabuti ko 'yun?" tumulo na ang mga luha ko.

"Trust me, I rejected your love for your own good." at lumabas na siya ng unit ko.

Nakayuko lang ako. Hinahayaang tumulo ang luha ko.

Bakit ang drama ng buhay ko? Naman e.

Kesa maramdaman ko ang sakit habang dilat ang mata ko, natulog na lang ako.

May pasok pa ako bukas e.

Kinabukasan.

Ayoko mang aminin, muta ang una kong nakita. Nakakahiya.

Bwisit kasing luha e.

Anong oras na ba?

8.30 pa lang at 9.OO ang pasok ko.

9.00.

O my golly gasgas!

Dali-dali akong naligo habang nagtetext.

Multi-tasking!

'Kuya, please pumunta po kayo sa condo, pakihatid po ako sa school.'

Sent!

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi na lang ako magcommute?

(Hindi po kasi ako marunong magcommute sa Pinas, anong isusulat ko? -- author)

Under the same spotlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon