Gustong gustonng chumika na ni Liza pero andun pa kasi si Mr Silas,
Pagkagawa ng article pinahintay lang sa amin ni Mr. Silas si Mr. Kany para kunin ang picture.
“ oh eh ghie girl.. hindi ko inexpect ito, “ sabi ni Liza sabay pakita ng picture “
“ wag kang maglagay ng kulay...” sabi ko agad.
“ naguguluhan lang ako….” sabi ni Liza.
Gusto kong sabihin ako din pero ayaw kong Ipakita na slight..slight lang na medyo “affected” ako sa mga pangyayari.
“ hindi ka dapat maguluhan, pakilig lang iyan...” sagot ko at hindi ko na binanggit iyong bagay na ayaw mong bitawan ang kamay ko.
“ kinilig ka ba?” harot na tanong ni Liza.
“ honestly? hindi... kasi baka ini isip nya katulad ako ng lahat ng babae na ganyanin nya eh mahuhulog na agad ang panty... he barked at the wrong tree!” seryoso ako sa sinasabi ko.
“ hindi ba crush mo naman sya...”
“ may boundary naman .ako lalo na kayat hindi naman kami nag uusap.”
at laking pasalamat ko wala namang negative feedback dun sa picture na kasama kami ng fineature namin sa school paper.
Negative na mag isip “feeling ako.”
After that incident kung bakit ang pagkakataon masyado tayong pinagkakataon na magkita.
May kainan kaming mga estudyante sa labas ng school kay Mama Rosa, masarap kasi ang pagkain dun..
Madami ang nakapila para umorder. almost lunchtime. nakita ko si Mama rossa her normal attire may makulay na panyo sa buhok na ginawang headband, kulay pink lipstick at pink eyeshadow mga nasa 65 na cguro sya, chubby na. maliit at she is always smiling na para bang laging may nagpapakilig na lalake sa harap nya.
Ng marinig ko ang pamilyar mong boses.
“ Mama Rossa! paganda kayo ng paganda ah..”
Ayun Ka n naman Victor, along with your 2 team mates .
lahat nag lingunan sa iyo, kasama ako.
nakatapat sa ka sa amin ni Lisa na may isang dipa ang layo natin.
“ Victor! ang pinaka gwapo kong suki!” bulalas ni mama rossa at lumapit sya sa iyo. dinig namin ang usapan nyo nasa linya ako ng orderan kung saan ako nakatayo.
“Mama rossa, mga katulad nyo ang pinapakasalan, isang ngiti mo lang nanginnginig na tuhod ko!”
Nagtatawanan ang lahat halos ng nandoon, paano si Mama rossa parang teen ager ang mga expression. parang nagmumurang kamias at mukhang totoong kinikilig.
Lalong umingay sa loob , dahil sa tawanan sa mga eksena.ng magawi ang mata mo sa akin? Nakatingin ako sa iyo na sakto sa paglingon mo, hindi naman ako guilty kasi nasa inyo ni Mama Rossa ang mata halos ng lahat ng kumakain.
At kasama ako doon.
Feeling ko ang seryoso naman ng tingin mo o baka naisip ko lang kasi gutom na lang talaga ako.at baka deep inside big deal sakin iyong pag akbay mo. pero bigla tuloy inalis ko ang ngiti ko at iniba ko na lang ang tingin ko.
at sinugarado ko na pumuwesto kami na malayo sayo.dahil parang na coconsious na ako sa iyo, na gusto ko ng magtaas ng kilay, dahil ano ako napag tripan mo?.
At hindi ko talaga masakyan ang trip mo nagshades ka habang kumakain, sabi lang naman ni Lisa sa akin, at narining kong sabi mo
“ mainit ang pagkain kaya need mag shades!” dko na naman mapigilan mapangiti.
Benta talaga sa akin ang kabugukan mo!
Katatapos lang namin ni Lisa at ni Ariel mag interview para sa High school editorial team ng may pununta sa amin na isa sa mga ka team nyo.
“ Rada baka pwedeng makahingi ng kopya dun sa picture natin nung nanalo kami? si mang Kany kasi maduga ang mahal ng sinisingil..” sabi ni Diego.
Nagulat ako ng kaunti kasi hindi ako sanay na may nakakkilala sa akin sa grupo nyo.
umupo ito sa upuan nakaharap sa akin, nag sosort kasi ako sa computer ng mga na interview namin.
“ cge, pag print ki...” hindi ko natapos sasabhin ko dahil dumating ka agad bigla.
Tumingin ka sa akin tapos binati mo si Ariel
“ Ariel, bakit wala ka nung game namin sa St Johns?” tanong mo.
“ sayang nga eh, may sakit kasi ako...” sagot ni Ariel.
“ buti na lang....” tapos sabay tingin mo sa akin.kung bakit naman nakatingin kasi ako sa iyo, kaya nakita ko iyong paglingon mo.
“ buti na lang may sakit ako?” pabirong tanong ni Ariel.
“ buti na lang. magaling ka na ngayon.” sabi mo ulit kay Ariel sabay balik ng tingin mo kay Ariel.
Lumapit si Ariel sa iyo. Tumayo ako para pag print si Diego. narinig ko nag co-comment ka sa office .
“ maganda pla dto sa editorial room. makatambay nga dito lagi...” sabi mo
“ youre always welcome Mr.Cuenco!” sagot ni Ariel na nagiging bakla na yata imbis na maging silahis lang.
Napabuntong hininga na lang ako sa naririnig ko. tawa tawa si Lisa sa isang sulok, hindi sya umepal sa pagkakataon na need ko.
feeling ko inaapi mo ako Victor Cuenco!
Pagkabigay ko kay Diego ng na print ko eksaktong dating ni Mr. Silas at ni Coach Matt, iyong coach nyo. Naisip ko save by these two, its either aalis ka na or doon mapunta attention mo.
Nangyari naman, pero okay na sana ng magsalita pa si Coach Matt bago umalis kayong tatlo.
“ mukhang may pinorpomahan ang mga varsity ko dto ah?” biro ni coach Matt.
Tumawa si Diego.
Nagtatalising eyes si Ariel.
Nag oh em ghie si Lisa,
at ikaw wala kang reaksyon pero tumingin ka lang sa akin.
at ako nag blush….yata...
Naglalaro ang mga paro paro sa tiyan ko mula ng dumating ka, pero ngayon gusto yatang magwala kasi parang may gusto kang iparating sa akin at naiisip ko, tingin mo ba sa akin Bola ng basketball? okay lang laruin?
hindi na ako natutuwa from “secret crush kita “ gusto kong palitan na
“secret person i want to kill “ na ang gusto kong itawag sa iyo!
Umiwas ako agad sa tingin mo.
Inaya kong kumain sa Mc do si Lisa gusto ko mg pag usapan ang lahat pati na ang perception ko sa mga events na pangyayari.
“ actually napapansin ko na rin, everytime na we are around the corner may mga
“ pahaging” sya...”
“ gusto ko na ngang sabhin sa iyo pero baka kasi ma consious ka lang...” dagdag pa ni Lisa.
at napaisip tuloy ako sa mga moments nasa sabi nga Lisa mga “ pahaging” mo.
“ mahal kita..” sinabi mo minsan kasalubong ka namin pero it seems niloloko mo iyong kasama mo.
“ tipong pinapakasalan” 2 beses mo itong sinabi minsan naglalakad kami may sinabi kang name ng artista .
hindo ko na isasama iyong eksena with mama rossa
at dinagdag pa nya iyong minsan na nakasalubong ka namin nag tanong ka ng
“ mahal mo ba ako?” reffering dun sa kasama mo naman na lalake.
at naisip ko may ilang pagkakataon na kikindat ka pag natingin ako tapos sasabhin mo sa grupo napuwing ka, hindi ako nagisip ng anyting kasi isip ko nagkataon lang iyon, kas inga hindi ba hiniraman moa ko ng ballpen tapos dedma ka na after?
Tapos may isang sitwasyon may affair sa school,ang dami kong dala nagkasalubong tayo sa may pintuan ng stock room sa gym, ini open mol ang ang pinto tapos umalis ka na, hindi mo man lang ako tinulungan kaya naisip ko talagang hindi moa ko nakikita or natatandaan man lang, kaya hindi ko maiisip ang mga bagay na pinag iisip naming ni Liza ngayon.
“ Dont tell me you dont take notice on those?” tanong ni Lisa. Naputol sa isip ko ang mga naiisip ko sa tanong ni Lisa.
“ Hindi naman... kasi we knew him na ganoon, hay naku nagstart lang tayong mag isip kasi after that pag cover natin sa laro nila... kahit naman ikaw ngayon mo lang pinansin.”
“ alin at saan tayo nagstart ? iyong pag yakap nya sa iyo,? “ nangingiti na sabi ni Lisa.
“ yakap na ba iyon? nilagay lang nya iyong kamay nya sa balikat ko.” sabi ko habang ngumunguya ng mc. burger.
hindi ko pa rin sinasabi kay Lisa na ayaw mong bitawan iyong kamay ko.
“. kunwari ka pa na hindi affected but on the other side, na kaka flatter sa side mo and beside gusto mo din naman sya dba?” paharot na sabi ni Lisa
“ wala ka bang ibang pinagsabihan na crush ko siya na pwedeng makarating kay Victor?”. may kaunting duda ang tanong ko.
saka gusto ko din sya? para mo namang sinabi gusto nya ako.”
“ hello? kung gusto ka nga ni Victor ngayon , il be happy for you, pero para sabihin ko sa kanya at gagawin nya iyan? edi sya na talaga ang katataasang supremo ng mga aroganteng lalake sa mundong ibabaw!’” umirap pa si Lisa.
“ ito naman joke lang...”!sabay tawa ko
At naisip ko may puntos si Liza. Aaminin ko binulabog mo ako sa mga nangyayari at mga ina-aksyon mo, pwede ilagay ito sa level ng
“ action speak louder than words” kasi wala ka pang sinasabi ang lakas lakas na ng dating!
Hindi ko alam ang gusto kong isipin. wala sa hinagap ko maiisip ko ang mga naiisip ko ngayon.
Inisip ko din baka tactica mo ito kasi feeding the ego ka, tipong parang ang layo ko sa iyo when all is so friendly.
Pero parang ang importante ko naman sa iyo para isipin mo iyon at kunin ang atensyon ko.
Hay Victor! dko talaga alam kung maiinis ba ako sa iyo or matutuwa or kikiligin?
Pero ill be smart enough, ill give what you want.
ngingitian kita ngayon lagi at babatiin kung needed .
Halos mag isang linggo naman kitang hindi nakita, Ive heard exam week sa engineering department, irony nga naman ng buhay.kung kailan may balak ako.
BINABASA MO ANG
Secret Crush Kita
RomanceGustong gusto ni Rada Alcarez si Victor Cuenco ang top varsity player ng school nila , pero she kept it by herself kasi she doesnt want to be one of the " swoony girls" na nagkaka gusto kay Victor. and she was not ready sa mga sumunod na pangyay...