Pagdating natin sa car mo saka ako nagsalita. binitawan mo din ang kamay ko .
" okay lang Victor, wag ka ng mag abala." sabi ko parang feeling ko inaayus mo ang car mo.pag labas mo nakita ko may dala kang Tshirt.
"may extra shirt ako, isuot mo muna kasi malagkit iyan , dyan ka lang sa loob ng kotse magpalit, may alcohol at tissue din dyan .tawagin nyo na lang ako ni Liza pag tapos na kayo." seryoso ka sa pagsasabi , kaya si Liza sinenyasan akong sumunod na lang.
Tinted naman ang car mo, at sinunod ko ang sinabi mo, habang nagpapalit ako panay harot ni Liza.
" girl feel ko sadya nya iyan... ganyan magpapansin ang mga arogante.." panghaharot ni Liza.
" wala kayang cctv itong car nya?" dagdag pa ni Liza
Nahubad ko na ung basa kong t shirt at nagpupunas ako tissue at alcohol nung sinabi ni Liza iyon
" wala naman siguro.." pero nagmadali akong nagbihis
Medyo lumayo ka talaga at bumaba pa si Liza para tawagin ka.
Nagtalo pa kami ni Liza na sabi ko umuwi na lang kami at huwag ng magpahatid sa iyo, pero sabi nya iba mood ni Victor pumayag na lang daw kami na ihatid kami.
At baka mas magalit pa gasoline na daw ang ibuhos mo sa akin! Biro pa nito.
Naiiisp ko mga paro paro ko nagigising na sila.
------
" Una mo na akong ihatid Victor.." sabi ni Liza ng paalis na kami.
Ngumiti ka lang at sinabi nito ituro sa iyo ang daan papunta sa kanila.
Hindi ako gaanong kumikibo, pero nakikita ko sa peripheral vision ko na palingon lingon ka sa akin
maliban sa 2 beses mo akong tinanong kung okay lang ako. na ngingiti ako ng matamlay saka tatango.
si Liza ang nag gagawa ng ingay, pinupuri ang gawa nyo sa exhibit.
Pa humble ka naman sa pagsasabing it's a team work.
Pagbaba ni Liza saka mo ako tinanong iyong way samin." Galit ka ba? hindi ko naman sinasadya,iyon eh..." tanong mo pagktapos kong sabihin ang way papunta sa amin.
" nakakahiya lang kasi kanina.. what can I do? wala namang may gusto sa nangyari." sabi ko
" Huwag ka kasing nagsusuot ng manipis na tshirt ng wala kang sando sa loob.." sabi mo and you sounds like nangangaral na boyfriend.
at ako pa pala may kasalanan. parang nawala tayo na natapunan mo ako ng soft drinks. parang ang issue ngayon ang hindi ko pagsuot ng sando.
Iba ka talaga Victor
at ang paro paro sa tyan ko kumalat ata sa boung sistema ko!
Pagdating natin sa tapat ng house namin. nagpasalamat ako sa iyo
" thank you Victor.. na abala pa kita..."
Tumango ka lang at pinatay mo engine ng car mo.
at sumabay ka din na bumaba ng car.
" saan ka pupunta?" tanong ko sa iyo
" ihahatid kita sa loob ng bahay nyo?" sagot mo.
ay! masyadong dumami ang paro paro naglabasan na sa sistema ko!
" huwag na.. ayus lang..." sabi ko.
" baka siraan mo ako sa inyo at tanungin kung sino nagbuhos sabihin mo pa iyong "engineering student na ang alam ay sakto, kaya sinakto nya sakin ang pagbuhos ng soft drinks!" sabi mo at natatawa ako sa way ng pagkakasabi mo.
Naisip ko 7:00 pm na nandun na sila Daddy at Mommy mag iisip sila mg iba na may naghatid sa akin na lalake., si Kuya mamaya pa naman darating buti naman.
binubuksan ko na ang gate talagang sumunod ka! seryoso ka pala talaga...
" baka mag isip sila ng iba..." opps! bigla nasabi ko ang tinatakbo ng isip ko.
" Ayo lang naman na totohanin natin iyong iisipin nilang iba.." sagot mo sa sinabi ko.
" Puro ka biro Victor..." sabi ko nakapasok na kami at naglalakad papuntang bahay namin.hindi ko talaga sasabihin iyon.
pero naisip kong sabihin para iparating sa iyo na aware ako sa mga biro mo sa akin.
" Seryoso ko Rada..." biglang sabi mo. medyo dumikit ka pa sakin kasi magkasabay tayong naglalakad. at seryoso talaga boses mo.
buti papasok na tayo sa bahay. hindi ko kasi alam ang isasagot sa huling sinabi mo.
nandoon si Daddy sa salas. he works as area manager ng isang kilalang bangko.
so syempre nagulat sya.
Nakatingin lang si Daddy sa atin.
Nagmano ako kay Daddy.
sumunod ka na rin nagmano ka din.
" sir, good evening po. makikimano na din po ako..."
" good evening iho.." si Daddy nandun pa rin ang pagtataka.
" Daddy si Victor po school mate ko.." pakilala ko sa iyo
Sasabhin ko n asana kung bakit moa ko hinatid pero inunanahan mo na ako.
"Sir, hinatid ko po si Rada, para po manghingi ako ng dispensa, naitapon ko po iyong softdrinks na dala ko sa kanya.. nabasa po sya.. hindi ko po sinasadya , wag po sana kayong magalit...sa akin..."
salita mo at matinong matino ang itsura mo walang bakas ng Victor na arogante.
" hinatid nya ako Dad saka pinahiram nya ako ng damit.
" Thank you Iho, sa pag hatid kay Rada.. I appreciate na hinatid mo ang anak ko."
" Naku sir ako nga po nahihiya kay Rada at sa inyo "
ilang palitan pa ng usapan at biglang sabi ni Daddy iiwan muna niya tayo,
hala! inisip pa ata na manliligaw kita. hindi naman sa ayaw kitang nasa bahay,
pero wala ka yatang balak umalis pa.
" Nasaan mommy mo?" tanong mo
at balak mo pang magpakita sa Mommy ko.
iba ka din eh!
"Baka nasa kuwarto.." sabi ko ng biglang lumabas si Mommy! ginoo! magtatanong sila mamaya sakin for sure.kasi kung hinatid mo lang ako aalis ka na agad.
" Ang guwapo naman ng bisita mo Rada.." bungad na sabi ni mommy sa iyon at nakita ko nag blush ka pa yata.
Nangiti pa ako ng lihim.
At nag explain ka ulit katulad ng pag explain mo kay Daddy.
at lumabas na ulit si Daddy kasama si Sharvi bunso kong kapatid na babae.
Na grade 6 .
" iho , dto ka na mag dinner..." sabi ni Daddy .
nakangiti si Daddy.
" Naku Sir, sa ibang pagkakataon na lang po, hinatid ko lang po talaga si Rada at para manghingi po ng pasenysa sa inyo.."
Ngumiti lang sila Daddy at Mommy at nag paalam ka na talaga. buti naman.
Hinatid kita sa gate.
" lalabhan ko na lang lahat ng pinahiram mo"
" kunin ko lang din dto sa inyo or dalhin mo sa school its up to you.." sabi mo. tumango ako
" nice meeting your parents..."
" Thank you for that, and thank you sa pagkakahatid.
Tumango ka lang sumakay ka na sa car mo.
BINABASA MO ANG
Secret Crush Kita
RomanceGustong gusto ni Rada Alcarez si Victor Cuenco ang top varsity player ng school nila , pero she kept it by herself kasi she doesnt want to be one of the " swoony girls" na nagkaka gusto kay Victor. and she was not ready sa mga sumunod na pangyay...