Chapter 5

8 1 0
                                    


Papunta na kani ni Liza sa afternoon class namin, ng makita namin sa hallway ang grupo mo, pero hindi mga naka uniform, medyo nagparamdam ang mga paro paro sa tiyan ko, pero feel ko wala ka, bago kami matapat sa grupo mo may dalawang babaeng dumating. kinausap mga ka grupo mo.

" nasaan si Victor? susunduin ba nya ako mamaya?" sabi ng babae eksaktong palapit na kami.

" ano ba sabi sa iyo ni Victor?" sagot ng isang ka grupo mo.

" sabi nya hintayin ko daw sya after practice nyo mamayang hapon..."sagot ng babae

" ha... wala kasi akong alam... mamaya pa iyon darating..". sagot ulit ng kausap.

at lumagpas na kami.

" girl..." sabi ni Lisa

" yes girl, narinig ko...". nakangiti kong baling kay Liza.

" kilala ko iyon si Tracey sa Medical and Science department," sabi pa ni Liza.

" its okay girl, ikaw lang naman kasi kaya naglagay ng kulay sa ginagawa ni Victor, pahiya ka ngayon..ay sige tayo ng dalawa "

sabay tawa ko pagkasabi ko noon.

" gusto kong mainis sa kanya girl, we know him well,hay!" umiikot pa mata ni Liza

" its okay, hindi naman tayo kumagat nag isip lang naman tayo" tawa ako habang sinasabi iyon.

tumawa din si Liza, ayaw kong ipakita na I am affected.

consider kong dumi sa balikat na lang at alisin ko na lang.

pero ouch! kakaisip ko palang na baka ganoon ka lang talaga at no hard feelings,

edi no hard feelings!

----------

Medyo iniwasan na namin ni Liza dumaan or tumambay sa pwedeng mag krus ang landas natin.

pero 4 days after that Tracey matters, paglabas namin ng klase at kausap namin ni Liza ang ibang classmate namin , nakita kita along with Diego,

ngumiti ka agad at lumapit sa amin.

nag ngingitian ang mga classmate ko, at kunwari lumayo sila pero katabi ko si Lisa.

" mag eexplain na yata sayo si Mr. Varsity..." bulong ni Liza

" casual lang tayo girl" pabulong ko kay Lisa habang

papalapit ka

" Rada, Liza long time no see.." bungad mong bati sa amin sa loob loob ko busy ka kasing mag service.

Mechanical Engineerinf  dapat kinuha mo para taga ayus ng sasakyan.

" busy ka yatang masyado eh.." sagot ni Liza

" kayo nga hindi ko kayo nakikita eh..." sagot mo

" baka kako sa mga nervous system ka naman interesado ngayon at hindi muna sa current events."

pahapyaw ko about Tracey. nakangiti ako habang sinasabi iyon. pero dedma ka lang sa pahaging ko.

" namiss mo pagtatanong ko,?" banat mo. tumawa ako.

" inuunahan ko na nga si Daddy sa diyaryo para ma update ako eh..."

ng biglang naglabasan ang katapat naming kuwarto, may mga nag ngingitian na naman mga nag swoon siguro sayo ng palihim.

Ng lumabas si Arma na short for Armando , Pol Sci student na super showy sa pag ka crush sa iyo.

"hey Victor...naligaw ka..." sabay tayong lumingon kay Arma, at kitang kita ko nangingti na nagtaas ng kilay si Arma..

" Well.. dont tell me....kayo?" turo sa ating dalawa ni Arma. ngumiti lang ako at umiling. umihi kasi si Liza kaya biglang nawala

" Gusto mo ba?" tanong mo kay Arma sabay lingon mo sa akin iniwas ko na lang ang mata ko sa iyo your flirting skill is " on air" again.

" ako gusto ko tayo! " sabay yakap sayo. tawanan lahat nandoon, may tumawag lang kay Arma na malate na sa susunod na klase. dumating na din si Liza.

" what time labas nyo mamaya?" tanong mo. Seryoso ka na.

" hindi ko sure.." sagot ko

" may practice kami mamaya, wait ko kayo ni Lisa.." super titig ka sa mata ko.

Naisip ko binabalanse mo ba kami ni Tracey na kung susunduin mo siya. dapat ako din. gusto kong umismid pero handa ako sa ganito lalo na at theater arts ang susunod naming subject.

Ngumiti ako bago sumagot. Si Liza busy kausap isang classmate namin.

" may practice din kasi kami sa theater class not sure kung what time matapos..."

" mga till 12 midnight ba iyan?" medyo natatawa ka habang sinasabi iyon.

" actually after practice , may bonding moments,,, mag coffee kami.. alam mo na feeling matured.." tawa ako sa huling sinabi ko.

Tumango tango ka lang, you look a bit dissappointed, paki ko! e di parang ako na lang ikaw

" no hard feelings"

" okay.. sige baka ma late kayo ." sabi mo.

sumabay ka pa samin along with Diego hanggang sa makakaba tayo.

tahimik ka lang.

The nerve of you, sabi namin ni Liza, sa totoo lang hindi ko matanggap na ganoon ka.

I saw you na hindi ganoon. flirting in a deep sense sa dalawang babae.

At ako pa napili mo .

pero totoo naman may coffee bonding kami ng theater arts class.Its Friday walang pasok kasi bukas.

-------

The whole Saturday Ikaw lang laman ata ng isip ko maghapon .

i felt guilty in a way na parang nagmamaganda ako at tinangggihan kita na hintayin ako.

hindi ko rin alam kung ang mga pahaging mo sakin ay sadyang ganoon ka lang, or you really mean na nagpapasakalye kang ligawan ako? Saka idagdag ko na iyong paghawak mo sa kamay ko sa gym.

bakit ako? saka bakit may Tracey? kainis talaga sana lang talaga hindi na kita binati ng Good morning!

Tapos may nagtanong pa sa akin na isang classamte namin sa theater kung nililigawan mo ako, e di siyempre big NO ang sagot ko.

kasi hindi naman talaga.

nagulat nga ako bakit nya tinanong kasi nga daw madalas may nakakakita tayong nag uuusap,or sabay na naglalakad sa campus, huwag idagdag iyong Nakita ka nila paglabas naming ng classroom at lumapit ka agad sa amin ni Liza.

" Sigurado ka? Kasi sa persona ni Victor hindi siguro ikaw sasabayan or pag aaksyahan ng atensyon kung wala lang?..." dagdag nitong classmate ko na sumasapi ata si Liza sa pagkatao nya.

" wala talaga, ang pag uusap naming he ask me lang naman about current events, baka isip ko ayaw na lang nya magbasa ng diyaryo kaya nagtatanong na lang siya sa akin." Sagot ko.

Pero ang nakakatawa ang sabi nya.

" Suwerte mo Rada pag niligawan ka ni Victor..." medyo kilig pa siya sa pagsasabi.

Suwerte?naisip ko magakaka 10 million dolllars na ba ako pag niligawan mo ako?

or Suwerte kasi your Victor Cuenco. And I must admit you have the charm,

a Magical charm so to speak.

Kung bakit ang paro paro sa tiyan ko mas dumadami pa yata pag ikaw ang topic o kaya when you are around the corner.

Secret Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon