Chapter 7

3 0 0
                                    


--------

Foundation day week ng University natin, all department has their own exhibit or something to showcase, as usual ito ang i cocover namin for the school newspaper.

I lost track na sa iyo, bukod sa hindi kita nakikita, at talagang iniiwasan ko na magka bump tayo.

Naging busy din ako . at baka ikaw din.

Binibisita namin ni Lisa ang lahat ng School Department , at panalangin ko huwag kitang makita kasi nasasaktan na " yata" ako sa pag dedma mo.

" girl kausap ko kahapon si Jenny, remember iyong kapitbahay namin na from Engineering dept?" sabi ni Liza habang papunta kami sa Computer and System Network Department.

" yeah, si Jen why?" ako eh kinakabahan sa susunod na sasabhin ni Lisa, ano si Victor at Tracey na? sa loob loob ko.

" ang ganda daw ng exhibit nila isa daw sa the best ung miniature na bahay na gawa nila na talagang gumamit ng mga totoong bakal as in parang kung titignan bonsai house daw..ang galing..."

" tara tignan natin, diba iikot naman tayo doon?" nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Liza. mali ang naiisip ko.

" collaboration daw iyon ng mga Engineering at Architecture orgs...."

" doon naman sila magaling diba..." sabi ko.

" .....sa pamumuno ni Mr. Victor Cuenco concept daw iyon ni Victor..." naghaharot ang tono ni Liza.

dedma lang ako sa harot ni Liza.

Parang ayaw ko ng tingnan. sa loob loob ko.

" hindi ka nakakibo dyan... na misss mo noh? affected ka sa pagkawala ng presensya nya hano?" hinahampas pa nya ang balikat ko ng balikat nya.reffering sa iyo Victor.

Ngumiti ako ng sarcastic na lang.

Pinili kong medyo hapon na kami gumawi sa Engineering Building.

Naiinis ako sa sarili ko kasi kinakabahan ako.

dedmahin mo naman kaya ako pag nakita mo ako?

Maraming exhibit na makikita sa Engineering department at medyo marami pa ding mga student ang umiikot ikot dun

Nakita nmin ni Lisa iyong Exhibit na sinanabi na pinamunuan mo

Maganda nga, hindi simpleng miniature na bahay, eksaktong bahay talaga na pinaliit lang.tapos katabi noon parang structure ng isang Mall tapos mayroon parang fountain na working talaga may music effect pa!

Bravo! Sabi ng puso ko..ay ng utak ko pala ...

Ayaw kong umikot ang mata ko dahil baka makita kita. si Lisa hangang hanga sa ginawa mo.

Papalabas na kami sa room ng exhibit.walang tigil si Lisa sa pagsasabi ng ang galing mo.

" collaboration iyonn hindi lang sya..." sabi ko.

pagbukas namin ng pinto papalabas nagulat ako madaming papasok. at nakita kita at hindi ko nakuhang kabahan or maramdaman ang paro paro sa tyan ko dahil may dala kang 2 big cup na may softrdinks at natulak ka yata dahil sakton sa akin tumapon sang dala mo!

Nakita ko nagulat ka, ako din at si Lisa.

humawi ang mga tao.

" Sorry! sorry! hindi ko sinasadya, sino kasi ang nagmamadaling pumasok?" tanong mo na medyo naiinis ka.

Hindi ko alam ang i re react ko habang nagsasalita ka nakatingin ako sa nabasang damit ko. naka white ako ng t-shirt na medyo manipis. nakikita ko na ang bra ko!

Bakat na!

Gusto kong umiyak ata sa kahihiyan. nakatingin lang sa akin ang mga tao.

Hindi mo nga ako dinedma Victor pero lahat ng atensyon napunta sa akin ng mga tao doon.daig ko pa ang exhibit.

" Victor nabasa mo si Rada!" narinig kong sabi ni Liza saka lang ako natingin sa iyo.

Nakita ko inalis mo ang suot mong bandana sa ulo.

" Sorry rada..." sabi mo saka nilagay mo sa harap ko ang bandana mo.

napansin mo na din siguro na bakat at nakikita na bra ko.

" its okay..." sagot ko na hindi tumitingin sa iyo.

"Liza tara na " sabi ko.

" ihahatid na kita sa inyo. " sabi mo. Your seryoso look is in.

hindi kita pinansin, pinipigil kong maiyak sa hiya kasi ang daming nakatingin halos sakin kalalakihan pa nandoon , tapos hawak ko ang bandana na bigay mo para hindi maalis dahil basang basa iyong t shirt ko.

bigla hinawakan mo ang isang kamay ko, klase ng una mog hinawakan ang kamay ko, na mahirap alisin.

At may narinig akong naghiyawan.

hindi ko na lang pinansin. Hubad ang pakiramdam ko sa sarili ko.

inaalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak mo, pero tiningnan mo ako ng matalim na tingin na parang binabawal mo ako sa ginagawa ko.

Hindi ko na pinilit alisin.

Secret Crush KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon