Habang kumakain kami ng binagsak na ni Daddy ang tanong .
" Nanliligaw ba sa iyo iyon?
" naku Dad, hindi , hinatid lang nya ako talaga at dahil nabuhusan nya ako ng soft drinks.
" mabuting bata siya kita ko , gwapo na may concern pa para ihatid ka pa dito sa bahay..."si Mommy. feeling ko iniisip ni Mommy nag dedeny lang ako.
at tinanong pa nila ang course mo, nabanggit ko rin na Varsity player ka.
" Varsity player sya?kaya pla iba tindig eh.. pero hindi naman mukhang mayabang..." si Mommy ulit, masyado atang bilib sa iyo.
arogante lang. gusto kong sabihin.
Kumain na ako sana wala ng tanong or comment anything about you.
" may girlfriend ba iyon?" si Daddy. may hirit pa si Daddy
" Dad hindi ko po alam kasi kanina ko lang po sya totoong nakausap..." sagot ko hindi ako lumilingon kay Daddy .
sa totoo lang hindi nila alam ang tungkol sa una kong Boyfriend hindi kasi ako at ease pag may alam silang nanliligaw sakin,
saka hindi rin naman ako nagpapaligaw kung hindi ko naman type.
Ikaw hindi ka naman naliligaw sakin.so dapat hindi ako makaramdam na un easy ako.
" you are right hon, mabait iyon ," sabi ni Daddy kay Mommy
" kaya nga bihira na ang ganyan" sagot ni Mommy.
At naisip ko ano si Victor na lang na talaga topic sa boung dinner? buti wala si Kuya, for sure iyon haharutin ako.
Kinabukasan last day na ng foundation, hindi kita nakita ng umaga kasi I have heard may showdown kayo along with grade school and high school basket ball players.
busy din ako sa pag e-edit mg mga articles dahil maglalabas kami special edition ng school news pape regarding sa foundation namin within 2 days.
at si Liza ilang beses pina ulit ang sitwasyon nung na meet mo parents ko. and she goes again to her own perception na may gusto ka sa akin.
Wala naman akong narinig sa iyo na gusto mo ako.
Naunang umuwi si Lisa kasi may aatendan siyang birthday, nag stay pa ako halos ng isang oras.
Paglabas ko ng hapon nakita kita sa tapat ng gym, nakita mo rin ako, lumapit ka agad.
" busyng busy ka ah," sabi mo at hinanap mo si Liza.
" may aatendan kasing birthday.." sabi ko tumango tango ka.
" uuwi ka na ba?" tumango ako.
at sinabi mo hindi ka makakaalis para ihatid ako kasi may isang set pa kayo ng
para naman obligasyon mo na ihatid mo ako.
sabi mo iha hatid mo ako hanggang gate.
hindi na ako tumanggi baka naman sabihin mo masyado akong nagmamaganda.
" ano sabi ng parents mo sa akin?" biglang tanong mo habang naglalakad tayo.
" guwapo ka daw..." sagot ko, pero sakin galing iyon ka guwapo mo kasi lalo ngayun.
tumawa ka lang ng iiling illing
" hindi na bago iyon.." sabi mo na nakangiti.
" ano pa sabi nila?" tanong mo na naman.
Aba eh ano ba ito thesis between you and my parents? Na isip kong biruin kita
" sabi ko Varsity ka ng school,at sabi ko madaming kang girlfriend...sabi ni Mommy nasa aura mo naman daw kasi guwapo ka..." nangingiti ako habang nagsasalita.
" tapos si Daddy ang sabi, he cant blame you daw kung sakaling collect and collect ka and select ... "
" sinabi mo iyon at sinabi din nila iyon? " tanong mo agad, pinutol mo ang pag kwento ko.
tatango sana ako pero Nakita ko seryoso ka.
"kahit biro Rada hindi ko iyan gusto..." sabi mo na parang na offend kita.
Opps mali! sa loob loob ko.
" sorry.. joke lang..." sabi ko , sabay bawi sa mga sinabi ko, kasi pansin ko parang hindi mo talaga nagustuhan iyong biro ko.
At sinabi ko na din ang totoong comment nila Daddy.
Ng biglang may sumunod sa atin na ka team mate mo need ka na daw sa gym. Nag paalam ka na sakin pero seryoso pa rin ang aura mo.
Pag alis mo natawa ako ng lihim. infairness lalakeng lalake aura mo nung parang hindi mo nagustuhan ang sinabi ko.
Naku Victor... im afraid to fly... i might fall!
BINABASA MO ANG
Secret Crush Kita
RomanceGustong gusto ni Rada Alcarez si Victor Cuenco ang top varsity player ng school nila , pero she kept it by herself kasi she doesnt want to be one of the " swoony girls" na nagkaka gusto kay Victor. and she was not ready sa mga sumunod na pangyay...